Pinipilit na kunin ni Joey ang phone ni Enzo ngunit wala na siya nagawa dahl ginawa ng wallpaper ni Enzo ang mukha niya sa phone nito. " Buburahin ko lang ito kapag sinabi mo sa akin anong pangalan ng boyfriend mo" Pangungundisyon ni Enzo at nababanas talaga sa kanya si Joey. " Bakit ba napaka immature niyo? bakit kailangan niyo pa malaman ang pangalan niya?" Naiinis na tanong ni Joey. " Ano sasabihin mo ba o mananatili na lang ito sa phone ko? sabihin mo na sino ba kasi siya?" Pagpupumilit ni Enzo at napa buntong hininga si Joey dahil napapagod na siya makipag usap kay Enzo. " Si jungkok ang sinasabi kong boyrfriend ko, ano masaya kana?" Sagot ni Joey at napapaisip si Enzo dahil ngayon lang siya nakarinig ng ganoong pangalan. " Jungkok? ang bantot naman ng pangalan niya, teka nga nil

