Pinilit ni Joey na kumalma dahil nagkamali siya sa kanyang mga kinilos kaya nagkaroon ng pagkakataon si Enzo na gawin iyon sa kanya kaya ganoon na lamang ang kaba sa kanyang dibdib. Pagkatapos nila maligo sa falls ng siera madre nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad at mabuti na lamang bago dumilim naka hanap na sila ng lugar kung saan pwede sila magpalipas ng gabi. Bawat isa sa kanila ay naglatag ng tent at nag handa ng kani- kanilang mga gamit upang makapag pahinga na sila. Gumawa ng apoy si Director Suarez dahil ramdam na nila ang lamig ng panahon at pinalibutan nila ang apoy na iyon. " Wala tayo magawa ngayon pwede ba tayo mag tanong sa isa't isa at kung sino ang maturo ng boteng ito siya ang unang tatanongin" Tila pang hahamon ni Director Suarez at nagka tinginan ang lahat at tum

