Nagtinginan ang lahat sa ginawang pag sampal ni Joey kay Enzo kaya naman iniwan mo na nila ang mga ito dahil ramdam nila ang tensyon sa pagitan ng dalawa. " Ano na naman ba nangyayari dito? ano ba talaga problema mo Mr Cruz?" Tila galit na tanong ni Zeus nang makita niya ang pag sampal ni Joey kay Enzo. " H'wag mo na tanongin baka hindi mo magustohan ang isasagot ko" Pabalang na sabi ni Enzo at tumalikod na ito. " Hanggang ngayon ba hindi mo parin matanggap na hindi mo na siya pagmamay ari pa? huh mali pala dahil kahit kailan hindi mo naman siya naging pagmamay ari" Pang iinsulto ni Zeus at muling humarap si Enzo para suntukin siya. " Ang yabang mo din ano? wala ka alam sa amin ni Joey kaya itigil mo yang bibig mo" Galit na pagkakasabi ni Enzo at umalis na ito. Hindi maiwasan ni Enzo

