Nagtungo si Joey sa labas upang maka iwas na kay Enzo ngunit sinundan din siya nito kaya gulong- gulo na talaga siya. " Hindi tama ang ginagawa mo kaya tigilan mo na ako, yung nangyari sa atin kanina isa lang yun pagkakamali dahil si Zeus na ang nagmamay ari sa akin at asawa ka na ni Sofia" Seryosong pahayag ni Joey at muli sana siyang hahalikan ni Enzo ngunit sinampal niya na ito. " Bakit Joey ayaw mo ba talaga yung nangyari sa atin kanina, nagugulohan na ako sayo dahil gusto ko ipag laban ang pagmamahal ko sayo pero pilit kang umiiwas" Mataas na ang tono ng pananalita ni Enzo ng mga sandaling iyon. " Ikaw lang naman ang nagpapa gulo sa sitwasyon dahil wala naman talaga ako nararamdaman sayo kundi galit dahil pinabayaan mo ako" Umiiyak nang sabi ni Joey at tumalikod na siya kay Enzo da

