Mabilis na tinungo ni Enzo si Joey dahil nag alala siya na baka masama ang pakiramdam nito sa ginawa niya kanina. " Okay ka lang ba? hindi mo ba nagustohan ang niluto ko?" Pag alalang tanong ni Enzo at napansin niya na namumutla na ang mukha ni Joey. " Okay lang ako" Saad ni Joey at nagtungo na siya sa hapag kainan upang tikman ang niluto ni Enzo dahil alam niyang naglaan pa ito ng oras sa pag luto para lang sa kanya. Nang matikman ni Joey ang niluto ni Enzo agad siyang nabulunan dahil sa maalat na pagka luto ni Enzo sa itlog. " May natira pa bang asin?" Sarkastikong tanong ni Joey at tumingin lamang sa kanya si Enzo na tila nagduda sa kanyang tanong. " Mayroon pa naman, bakit ba?" Seryosong sabi ni Enzo at nilayo ni Joey ang plato mula sa kanya dahil hindi niya talaga kaya kainin an

