Pinagmasdan ni Enzo ang mukha niya sa salamin upang tignan kung maayos na ba ang hitsura niya dahil manonood sila sa sine ni Joey. Nag suot lamang siya ng puting ts-shirt upang simple lang tignan dahil yun ang gusto ni Joey kaya pagkatapos niyang mag ayos bumaba na siya. " Boss may lakad po kayo ni Joey ngayon?" Tanong ng isang tauhaan kay Enzo pagkababa niya sa hagdan at natanaw niya na si Joey na nag aantay sa kanya. " Oo kaya kayo muna ang bahala dito" Sagot ni Enzo at nag tungo na siya kay Joey, bago nga siya tuloyan makalapit kay Joey inamoy niya muna ang kanyang hininga. " Aalis na po ba tayo?" Ani ni Joey at napatingin siya kay Enzo mula ulo hanggang paa dahil talagang binago nito ang pananamit niya. " Tara na sumakay na tayo sa kotse" Saad ni Enzo at sumakay na sila sa kotse a

