Pag uwe ni Enzo sa mansion isang sampal ang bumungad sa kanya dahil sa subrang galit ni Sofia sa kanya bgunit pinilit niya parin maging kalmado. " Saan kayo nag punta ng babae na yun at inabot kana ng umaga? dinamayan mo ba siya buong gabi?" Galit na pagtatanong ni Sofia. " Pwede ba tumigil ka, kasalanan mo kung bakit nasira ang anibersaryo natin kagabi kaya h'wag ka mag reak na parang kasalanan ko pa" Saad ni Enzo at muli siyang sinampal ni Sofia at mababakas sa mga mata nito ang matinding poot. " Akala ko ba okay na tayo Enzo kala ko natutunan mo na ako pahalagahan? ako dapat ang inahon mo pero bakit ang babae na yun ang inahon mo at sinamahan mo pa buong gabi? wala na ba talaga ako puwang diyan sa puso mo Enzo?" Tumutulo na ang mga luha ni Sofia habang ipinapahayag iyon kay Enzo. "

