Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Enzo na ngayon muli na naman nag krus ang landas namin. Nagpakalayo na nga ako upang matakasan siya ngunit bakit naman sa kanya parin ako bumagsak, paano ko ba maiiwasan si Enzo. " Boss kamukha niya po si Joey diba?" Aniya ng isang tauhaan at napalunok na lamang ako lalo nang lumapit ito sa akin at inaaral ang mukha ko. " Sumunod ka sa akin at may ipag uutos ako sayo" Saad ni Enzo at kinakabahan na talaga ako ng mga sandali na iyon. Sumunod ako kay Enzo patungo sa kwarto niya at pag pasok nga namin doon ay bigla niya na lamang hinagis ang mga damit niya at nasapol ang mukha ko. " Ano po ito?" Mahinang tanong ko at hindi na talaga ako komportable na muli siyang makasama at makita pakiramdam ko maiihi na yata ako. " Mga maruruming damit ko, lab

