Hindi kumain si Joey ng gabing iyon at tiniis niya na lamang ang kanyang gutom at pinilit niya na makatulog ngunit nagrereklamo na ang kanyang sikmura. Pagpatak ng alas dose ng gabi hindi na talaga matiis ni Joey ang kanyang gutom kaya naman dahan-dahan siyang nag tungo sa kusina at maingat niyang binuksan ang refrigerator. " Grabe hindi nila ako tinirahan, ang tatakaw naman nila bakit tinapay na lang ang natira?" Malungkot na pagkakasabi ni Joey dahil wala na siyang naabutan na pagkain maliban sa tinapay. Kinuha na lamang ni Joey ang tinapay at yun na lamang ang kinain niya at habang kinakain niya iyon nagulat siya bumukas ang ilaw at sumulpot si Enzo sa harapan niya. " Sabi ko na nga ehh lalabas ka din, oh kumain kana" Saad ni Enzo at inabot niya ang isang plato na may laman na pagka

