Napatigil si Joey sa kanyang pagkanta nang makita niya si Enzo na nakatingin sa kanya at baka kung ano na naman ang sabihin nito sa kanya. " May kailangan po ba kayo Boss?" Nakangiting tanong ni Joey at lumingon-lingon sa paligid si Enzo dahil baka may tao sa paligid. " May transaksyon tayo mamaya sa bar gusto ko lang sabihin na maaring magkayayaan ng kasiyahan doon, pigilan mo ang sarili mo." Bilin ni Enzo at iniisip ni Joey kung bakit iyon sinasabi sa kanya ni Enzo at tila nag alala ito. " Bakit naman po Boss?" Interesadong tanong ni Joey at naging seryoso ang mukha ni Enzo ng sandaling iyon. " Nakalimutan mo ba na babae ka at puro lalaki ang mga kasama natin, tsaka nga pala samahan mo ako mamili ngayon sa Department store" Saad ni Enzo at tumalikod na siya at hindi na umimik pa si J

