CHAPTER FIVE

1056 Words
Mabilis na napa balikwas si Enzo sa kanyang pagkaka higa dahil akala niya isang masamng panaginip lang ang nangyari sa kanila ni Joey. " Ano ba klaseng panaginip yun? nakakaderi" Inis na pagkakasabi ni Enzo at napansin niya na may bahid ng dugo ang kumot na bumabalot sa katawan niya. Kinapa ni Enzo ang katawan niya dahil baka may sugat siyang natamo kagabi ngunit wala naman kya nagtaka siya kung saan nanggaling ang dugo. Bumangon na si Enzo upang mag tungo sa comfort room dahil nakaramdam na siya ng init sa katawan. Mabilis niyang binuksan ang pinto at nagulat siya ng makita niya si Joey na nasa loob, mabuti na lamang tapos na ito mg bihis. " Boss Enzo" Gulat na reaksyon ni Joey at naisip niya na iyon na ang kataposan niya dahil sa nangyari sa kanila kagabi. " Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni Enzo at nagulat siya ng lumuhod sa kanya si Joey at parang naiiyak na ito. " Patawarin mo ako" Naiiyak na sabi ni Joey at hindi siya nauunawaan ni Enzo dahil wala naman naalala si Enzo sa nangyari sa kanila dahil sa subrang kalasingan nito. " Ano ba sinasabi mo? lumabas kana nga ng kwarto ko"Inis na pagkakasabi ni Enzo at tumayo na si Joey sa kanyang pagkaka luhod, "Wala kaba naalala sa nangyari kagabi?" Napapaisip na tanong ni Joey at tumingin sa kanya si Enzo kaya agad niya iniwas ang mukha niya. " Teka nga may dapat ba ako maalala?" Ani ni Enzo at napahawak si Joey sa laylayan ng kanyang damit dahil kabado na talaga siya. " Ahhm- w-wala naman, sige lalabas na po ako" Saad ni Joey at ng aakmang lalabas na siya ng comfort room biglang hinawakan ni Enzo ang braso niya at inilapit nito ang mukha sa kanya at inamoy-amoy siya nito. " Amoy alak ka parin Joey, ng enjoy kaba kagabi sa babae mo?" Seryosong tanong ni Enzo kay Joey at nilingon niya si Enzo. " Opo nag enjoy naman po ako, bakit niyo po naitanong" Pagtatakang tanong ni Joey at ngumisi lang sa kanya si Enzo. " wala naman, sige na lumabas kana" Saad ni Enzo at nang aakbang na si joey paalis bigla na lamang ito nadulas at nahatak niya si Enzo pagbagsak niya at muling nagka dikit na naman ang kanilang mga labi. Mabilis na tinulak ni Joey si Enzo at napansin niya na tulala na ito at nakahawak sa labi niya. "Boss, okay lang po kayo?" Tanong ni joey at tumingin ng masama sa kanya si Enzo at tila ba umuusok na ang ilong nito sa galit. " Ikaw kaya mahalikan ng kapwa lalaki sa tingin mo ba magiging okay ka lang? ano ba sa tingin mo natutuwa ako?" Galit na pagkakasabi ni Enzo at hiyang -hiya si Joey sa kapalpakan niya kaya muli siyang lumuhod kay Enzo. " Pasyensya na po talaga Boss" Pagpapayensya ni Joey at kinagat niya na naman ang labi niya kaya napalunok si Enzo at hindi nito alam kung bakit subrang lakas ng kalabog ng dibdib niya. Sa inis ni Enzo tinulak niya si Joey at ginarumos niya ang mukha nito dahil nagugulohan siya sa nararamdaman niya. " Diba sabi ko h'wag mo kagagatin ang labi mo sa harapan ko, lumabas kana nga" Galit na sabi ni Enzo at nagmadali ng lumabas si Joey sa kwarto ni Enzo. Nagtungo si Joey sa may sala at nakita niya ang mga kapwa niyang tauhaan na tila may pinag hahandaan. lumapit sa kanya ang isang tauhaan at napansin nito na ika-ika mag lakad si Joey. " Gising kana pala Joey, anong nangyari bakit ganyan ka mag lakad?" Tanong ng isang tauhaan at sabay akbay kay Joey. Naalala tuloy ni Joey yung nangyari sa kanila ni Enzo na kaya ganoon siya maglakad dahil namamaga ang ari niya at masakit ang mga hita niya dahil sa pag angkin ni Enzo sa katawan niya. " Wala naman, teka bakit hawak niyo mga baril niyo?" Pagtatakang tanong ni Joey at bigla na lamang siya inakay ng mga tauhaan papunta sa shooting area. " Sabi ni Don Felipe turuan ka daw namin humawak at bumaril, kaya hawakan mo itong baril at itutuk mo sa target" Utos ng tauhaan kay Joey at sinimulan ng itutok ito ni Joey sa target. Ilan sandali pa dumating na si Enzo at binati ito ng lahat ng tauhaan kaya naman napalingon si Joey sa kanyang likuran at naitutok niya kay Enzo ang baril." " Papatayin mo ba ako? bakit sa akin nakaka tutok ang baril mo? tsaka mali yang pag hawak at porma mo" Pag puna ni Enzo at lumapit siya kay Joey upang gabayan at turuan itong bumaril. Hinawakan ni Joey ang baril at pumwesto si Enzo sa likuran niya at hinawakan ang kamay niya upang gabayan siya sa pg putok ng baril. " Natatakot po akong iputok" Nangangambang sabi ni Joey at tumingin sa kanya si Enzo at amoy na amoy niya ang hininga nito. " Itutok mo ang baril sa target at mag isip ka ng bagay o tao na kinaiinisan mo at isipin mo siya ang kailangan mong targetin, pag bilang ko ng tatlo kalabitin mo na ang baril"Seryosong pag tuturo ni Enzo habang nakatingin sa leeg ni Joey. makinis at maputi kasi ang balat ni joey kaya naman hindi maiwasan ni Enzo na mapatingin sa leeg ni Joey at hindi niya alam bakit parang naglalaway na siya. Pag bilang ni Enzo ng tatlo biglang pinutok ni Joey ang baril at natamaan niya ang target kaya naman sa subrang tuwa ni Joey napayakap pa siya kay Enzo. Naging awkward tuloy ang sandaling iyon dahil napatingin sa kanila ang mga tauhaan. " Wow nagawa ko, maraming salamat Boss" Natutuwang sabi ni Joey at nakalimot na siya dahil bigla na lamang niya niyakap si Enzo. Muli na naman naramdaman ni Enzo ang tila kuryente na dumadaloy sa katawan niya at nang mapansin niya na nakatingin sa kanila ang mga tauhaan agad niyang tinulak si Joey palayo sa kanya. " Ano ba ginagawa mo? lumayo ka nga sa akin?" Saad ni Enzo at umalis na ito at nagulat naman si Joey dahil nakatitig na sa kanya ang mga tauhaan. " Iba ka talaga Joey, mukhang close na kayo ni Boss huh?" Tila nabibilib na sabi ng isang tauhaan at hindi na lamang iyon pinansin ni Joey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD