Nakatayo lang si Don Felipe habang pinagmamasdan ang dalawa dahil hindi nya rin inaasahan na ganoon ang makikita niya dahil kakauwe niya lang galing sa america. " Ano na naman ba ito Enzo tsaka sino na naman yang babae mo?" Bungad na tanong ni Don Felipe at mabilis na iniwas ni Joey ang mukha niya kay Don Felipe. " Papa mali yung iniisip niyo tsaka kasambahay ko siya" Depensa agad ni Enzo at tinakpan niya si Joey dahil hindi niya na rin alam kung paano ipapaliwanag sa ama. " Kailan kapa nag hired ng kasambahay at hindi mo man lang sinabi sa akin, bumaba ka dahil marami tayo pag uusapan." Saad ni Don Felipe at lumabas na ito ng kwarto kaya agad-agad na inayos ni Joey ang kanyang sarili. " Umiwas ka muna kay Papa" Utos naman ni Enzo kay Joey at sumunod na rin siya sa kanyang ama sa baba

