POV JOEY
Nalula ako sa dami ng damit at accessories ni Enzo at hindi ko alam ang kukunin ko di ko namalayan na ilang minuto na pala ako nakatayo sa closet niya.
" Hindi ka parin nakaka pili ng susotin ko, tumabi ka nga diyan." Naiinis na sabi ni Enzo at bahagya niya ako tinulak palayo sa closet niya at siya na kumuha ng mga damit niya.
" Hindi ko kasi alam kung ano susuotin mo, pasyensya kana" Saad ko at tumingin ito sa akin na parang inaaral ang mukha ko.
" Bakla kaba?" Seryosong tanong ni Enzo sa akin at hindi ko alam bakit niya naitanong iyon. ilan sandali pa nilapit nito sa akin ang mukha niya.
" Hindi ako bakla no, tsaka pwede ba ilayo niyo ang mukha niyo sa akin" Naiilang kong sabi ngunit nakatitig parin siya sa akin.
" One ,Two, Three" Nakangiting sabi nito at aakmang hahalikan niya ako kaya naman mabilis kong inuntog ang ulo ko sa kanya.
" A-ano ba ginagawa niyo? sinabing lalaki ako ehh" Naiinis kong sabi at alam kong nasaktan siya sa ginawa ko kaya naman napahawak siya sa ulo niya."
" Arayy.. ang sakit nun ahh, sinusubukan ko lang naman kung tunay ka ngang lalaki dahil bawal sa grupo ko ang mahina at bakla kumilos" Galit na pagkakasabi ni Enzo habang naka hawak sa noo niyang namumula dahil sa ginawa kong pag headbutt sa kanya.
" Lalaki nga po ako, sa totoo nga po kilala akong babaero sa amin" Pagmamayabang ko pa at tila mas lalo lang ito nainis sa akin.
" Wala ako pakialam, lumabas kana nga ng kwarto ko sinisira mo lang ang araw ko" Inis na pagkakasabi nito sa akin at lumabas na ako ng kwarto niya.
Kinabahan talaga ako sa ginawang iyon ni Enzo akala ko talaga mabubuking na ako. Nagtungo na ako sa sa sala dahil mukhang ayaw naman sa akin ni Enzo.
Maya-maya pa nilapitan ako ng mga tauhaan nila at tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at naiilang na talaga ako sa ginagawa nila.
" Magandang lalaki ka at makinis ka rin, sigurado kaba na lalaki ka talaga?" Nakakatakot na tanong sa akin ng isang lalaking tauhaan.
" Tigilan niyo nga siya, ikaw pala ang bagong tauhaan ni Boss Enzo?" Nakangiting tanong ng isa pang tauhaan sa akin.
" Oo ako nga ang bagong tauhaan" Sagot ko naman at nagulat ako dahil parang may kung anong tumutok na bagay sa ulo ko kaya napa lingon ako.
Nakita ko si Enzo na may hawak na baril at naka tutok sa akin at naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko.
" Alam mo ba kung anong grupo ang pinasukan mo at kung anong klaseng boss ako?" Nakangising tanong sa akin ni Enzo.
" Pasyensya na po pero hindi ko po alam"Sambit ko at tinutok ni Enzo ang baril sa bandang sintindo ko at alam kong sinusubukan niy akong takutin.
" Isang grupo ng mafia ang pinasukan mo Joey kaya ayuko ng mahinang loob sa mga tauhaan ko kaya naman susubukan ko ang tapang mo mmayang gabi, may transaksyon ang grupo mamaya at sasama ka sa amin." Seryosong pagkakasabi ni Enzo at mukhang dinala ko sa kapahamakan ang sarili ko dahil isang mafia Boss pala si Enzo.
Nakaramdam ako ng matinding takot ng sandalng iyon lalo na ng sumapit na ang gabi dahil nakita ko kung paano nila ihanda ang malalaking armas na mayroon sila.
" Joey salohin mo, gamitin mo mamaya" Saad ng isang tauhaan at hinagis nito sa akin ng isang baril at kinabahan talaga ako ng mahawakan ko iyon.
Nag handa ang lahat ng mga tauhaan ni Enzo ng gabing iyon at lahat kami sumakay sa itim na van dahil may transakyonn magaganap.
Habang tinatahak namin ang madilim na daan nag dasal ako ng tahimik at pumikit ako.
" Teka nag dadasal kaba?" Natatawang tanong ng isang tauhaan at nagsitawanan na rin ang lahat at naiinsulto na talaga ako sa ginagawa nila.
Ilan sandali pa huminto ang van na sinasakyan namin sa isang lumang warehouse at isa-isa kaming bumaba ng sasakyan.
Maya-maya pa sunod-sunod na ng putok ng baril ang narinig ko dahil mukhang sinalubog kami ng mga kalaban ng mga bala nila.
" Lord gusto ko pa o mabuhay, pakiusap" Natatakot kong sabi at nagtago ako sa isang sulok samantala si Enzo nakita ko na nakikipag barilan sa kalaban at hindi nito napansin ang kalaban na nasa likuran niya.
Nang makita ko na babarilin si Enzong kalaban agad akong nag tungo sa kanya at niyakap ko siya.
Ramdam ko ang pagtama ng baril sa katawan ko at parang nang lalabo na ang mga mata ko pero nakita ko na binaril pa ni Enzo ang taong bumaril sa akin.
" Joey, Joey, gumising ka," Naririnig ko pang sabi ni Enzo at tumigil na sya sa pakikipg laban at umatras ang grupo dahil mabilis akong isinakay ni Enzo sa van.
" Boss sa balikat ang tama ni Joey" Sabi ng isang tauhaan at pinipigilan ni Enzo ng pagdurugo ng sugat ko.
Mabilis kaming bumalik ng mansion at dinala ako ni Enzo sa kwarto niya nakita ko ang pag aalala niya at kinuha niya ang ilang gamit pang medical.
" Joey tatanggalin ko ang bala sa balikat mo kaya kumapit ka lang" Saad ni Enzo at kumuha ito ng gunting at nagulat ako dahil ginupit niya ang damit ko at mabilis ko siyang inawat dahil baka makita niya ang binder na nag kukubli sa dibdib ko.
" h'wag pakiusap" Pag pigil ko sa kanya ngunit tinapik niya lang ang kamay ko at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.
Ginupit ni Enzo ang bahagi ng damit ko na kung nasaan ang sugat ko. subrang kabado ako ng mga sandalig iyon.
" Kailangan ko alisin ang bala sa katawan mo at sumigaw kana lang ng malakas" Utos sa akin ni Enzo at nagulat ako sa ginawa niya dahil kinuha niya ng biglaan ang bala sa katawan ko at napasigaw talaga ako ng malakas at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Dahan - dahan ko minulat ang aking mga mata at nakita ko si Enzo na tinatanggal na ang damit ko kaya sa takot ko bigla ako napa balikwas ng pagkaka higa at sa hindi sinasadya nagka dikit ang mga labi namin ni Enzo dahil doon parehong nang laki ang mga mata namin at tinulak ako ni Enzo.
" Kaderi ka Joey, stupid, ano ba ginagawa mo?" Galit na pagkakasabi ni Enzo at sige ang punas niya sa labi niya.
" Pasyensya na po Boss nagulat kasi ako, inaalisan niyo ksi ako ng damit" Nahihiya kong sabi at mukhang hindi siya maka paniwala sa sinabi ko.
" Hoy Joey inaalis ko ang damit mo dahil duguan na yan tsaka ano naman kung tanggalin ko ang damit mo pareho naman tayo lalaki."Naiinis na sabi ni Enzo at nahiya na lang ako sa ginawa ko natatakot lang naman ako na baka malaman ni Enzo na hindi talaga ako tunay na lalaki kundi isa talaga akong babae.
" Ako na po bahala magpalit ng damit ko Boss, nakaka hiya naman po kung kayo pa mag aasikaso sa akin" Katwiran ko at tumingin sa akin si Enzo ng seryoso.
" Salamat sa ginawa mong pag sagip sa buhay ko, sinalo mo ang bala na dapat para sa akin at bilisan mo na mag bihis." Pagpapasalamat ni Enzo sa akin at lumabas na ito ng kwarto.
Naramdam ko ang kirot ng sugat ko at tsaka ko lang naisip na delikado ang ginawa ko dahil paano kung mamatay ako paano na ang ina ko.
Pinilit ko ulit na makatulog ngunit ramdam ko na masama talaga ang pakiramdam ko at parang hindi ko kakayanin tumayo.
Ilan sandali pa muling pumasok si Enzo at inabot niya sa akin ang susuotin kong damit ngunit napansin niya na maputla ako.
" Kaya ko na po mag bihis Boss" Saad ko at kinuha ko sa kanya ang damit ngunit iniwas niya ito sa akin at hinipo ang noo ko.
" Ang init mo Joey, teka sandali pupunasan kita" Namamadaling sabi ni Enzo at muli itong lumabas ng kwarto at pag balik niya may dala na siyang batya at towel.
" Ako na po bahala Boss" Pagpupumilit ko ngunit tila naiinis na si Enzo sa akin at nilapag niya ang batya sa side table.
" Mag hubad kana ng damit at ako na magpupunas sayo dahil mukhang di mo naman kaya" Pagpupumilit ni Enzo at hinintay niya na mag hubad ako ng damit.
" kasi Boss" Nangangambang sabi ko at lumapit na ito sa akin para siya na ang mag hubad ng damit ko.
" Ako na nga ang gagawa, ang bagal mo naman kumilos" Inis na pagkakasabi ni Enzo at nang sisimulan niya ng tanggalin ang damit ko mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin.
" Bawal po makita ang katawan ko" Saad ko at mabilis ko siyang naitulak at ikina galit niya ito.
" Ano ba ang problema mo? bahala kana nga sa buhay mo, nakaka inis ka" Pasigaw na pagkakasabi ni Enzo at galit ito ng lumabas ng kwarto.
Subrang kabado na talaga ako ng mga sandaling iyon dahil parang mahuhulog na yata ang puso ko sa subrang takot ko.