I am pregnant
“Mommy, labyow” bungad nya sa inang nakatalikod sa kanya habang may hinahalong niluluto nito. Nakayakap sya patalikod ditto at patawa-tawa naman sa kanya ang ina sa kanyang ginawa. “Morning baby damulag>>” tugon nito’t malaki ang ngisi sa pagtawag sa kanya na ikinabusangot naman ng kanyang mukha.
Umupo sya sa high chair tsaka kumuha ng mansanas at mistulang kakainin nya ng naisipan nyang kumuha ng kutsilyo at balatan ito. Habang nakamasid lang ang ina sa kanyang mga ikinikilos. Bumalik sya sa pwesto nya saka masayang tinalupan ang mansanas na takam na takam na syang kagatan agad, nagpatuloy lang ang ginang sa pagluluto at tapos na rin nyang mabalatan. Kakagat na sana sya nang biglang nagsalita ang mommy nya.” I was surprised that you’re eating peeling apple. That’s new Hmm. May dapat ba kaming malaman nila daddy mo, baby?” nasamid sya ng sariling laway ng lumunok sya matapos marinig ang tanong ng ina. Wala naman talaga syang ikinakatakot sa pag-amin sa kondisyon nya, ang ikinakabahala nya lang ay kung pano nya ipaliwanag sa magulang ang estado ng relasyon nila ng nobyo. Matagal ng alam ng mommy’t daddy nya ang relasyon nila ng binata ngunit di alam ng mga ito ang kung ano talaga ang kondisyon ng relasyon meron silang dalawa. Maaga pa lang ang relasyon nila, nag-alala na sa kanya ang ina nya dahil daw baka mawasak lang pagkakaibigan nila kapag nagpatuloy lang ang relasyong gusto nyang mangyari, relasyong napipilitan lang.
Matamlay nyang nilapag sa mesa ang nabalatang mansanas saka dahan-dahang lumapit dito’t agad na yumakap. Di nya mapigilang di mapaluha. Kahit na wala mang lumabas na salita sa kanyang labi ngunit alam ng ina nya ang gusto nyang ipahiwatig. Her mother touches her shoulder and hugs her tight. “ What is it baby huh?” anito sa kanya. Napahikbi na sya ng di na nya kaya pang pigilan ang hikbi nya. “my.. sana nakinig nalang ako sayo nung time na kaya ko pang bumangon…. Sana..sana.. di nalang naging kami noh? dahil ang sakit-sakit na my, eh….. my.. I’m pregnant.. at alam kong ayaw ni Jeve ang magka-anak sakin. Kasalanan ko naman diba my?, dahil ako yung gustong mabuntis” di na nya nakayanan ang di maipalabas ang sama ng loob. Hinagod-hagod nito ang kanyang likod saka nagsalita. ” wala namang problema samin ni daddy mo kung magdadalang-tao ka na walang amang makakagisnan ang bata nak, but for me you’re too young to get pregnant…but then andyan nayan diba? We will raised our grandchild alone without his fathers presence…” masyado syang na-touch sa sinabi ng ina at pinapagaan ang loob nya ngunit ayaw paring mawala sa kanyang kaisipan ang mga nangyari ilang araw na ang lumipas bago nya mapagpasyahang umuwi sa piling ng magulang at tinatawag nila na tahanan,
Iyak lang sya ng iyak habang naalala ang pag-amin nya na buntis sya kahit na nasa harap ng karamihan. Ilang araw ang dumaan matapos mangyari ang pag-iinom nila ng mga kaibigan, kinabukasan minabuti nyang ipaalam sa binata ang kanyang pagdadalang-tao kasama ang apat na kaibigan ngunit hindi nila ito naabutan sa place nito. Subalit dahil sa kagustuhang mapaalam nga ay naghintay sila buong araw at nalipasan pa sila ng gutom pero walang binata ang dumating at umuwi sa sariling condo nito. Bandang alas 11 na ng gabi ng napagpasyahan na nilang umalis na magkakaibigan at babalik pa rin kinabukasan nang sa hindi nya inaasahang makakatanggap sya ng tawag mula rito. Mabilis nyang sinagot ang binata habang nakamata sa kanya ang mga kaibigan sa phone nya. “Ve?” pambungad nya ngunit isang maingay lang na paligid ang kanyang narinig, kung di man sya nagkakamali ay nasa bar ang huli at lasing. “Hello? Hello? Hello? Ms. Ara?” salita ng nasa kabilang linya na ngayo’y nabosesan nyang hindi ito ang binata. Pansin nyang humina ang ingay ng kapaligiran. “ Can you fetch him? We can’t handle him here.. ayaw na magpaawat eh.. ikaw nalang ang naisipan namin na baka kumalma ang gagong yun.. nasa resto kami ni Al. I know that you already knew this place at…. (Dude.. f**k na yan.. nambasag pa talaga ng mga bote.. fuck..fuck)…wait.. ok andyan na… ahm.. sorry for that Ms. Ara …I really have to go..toot..toot.tooot..” saad ng nasa kabilang linya na agad ring binaba ang tawag. Hinarap nya ang mga kaibigan at agad na sinabi ang kung ano ang pinag-usapan nila ng katawagan. Mabilis silang pumanhik ng sasakyan at pinasibad ang kotse sa kung saan man pumaroon ang binata. Wala silang imik lahat habang lulan ng sasakyan.
Madali lang silang nakarating sa restong sinabi ng kaibigan ng lalaki. Nasa labas na si Al kung di man sya nagkakamali, ito yung kaibigang may-ari ng resto. Nilapitan agad sila ng huli at giniya papasok. Bumungad sa kanya ang maingay at maalingawngaw na tugtog habang masakit sa mata ang mga iba’t-ibang ilaw. Nagkukumpulang mga taong nagsisisayaw; mababae’t lalaki. Halos hindi pa sila makakadaan dahil sa dami ng tao kahit na magmamadaling-araw na.
“man… chill ok? “ rinig nya sa di kalayuan, napapikit sya ng mata ng isang basag na bote ang umalingawngaw sa paligid. Baaaaaaaaggggzzgzzzgzzz. “ ahlam nyoh bah angsh narharhamdahman kow ha? Ha? Ahnohh?” di na maayos na pagsasalita nitong sinisigawan ang mga kaibigan. Di sya masyadong nakalapit ditto ng di rin sya hinayaan ng mga kaibigan na makalapit sa binata. “girl, ditto ka muna baka mapano ka pa..” hinawakan sya sa braso ng mga kaibigan. Isang basag na naman ng bote ang ginawa ng binata. Habang di naman mapakali ang mga kaibigan ng binata sa pag-awat ditto. “man.. mahiya ka naman sa girlfriend mo.” Awat naman ni Dwardz ditto at dahan-dahan syang pinapunta sa harap ng binata. Natigilan sandali ang binata matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. Nag-alala namang binitawan sya ng mga kasama saka dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng huli. Magsasalita na sana sya ng unahan sya nitong magsalita “ wh..whawhat are youw dooingg hereee woman?.. dsi kitah keylangahn dwetoh.” Lasing na lasing na nga ito dahil sa di na maayos na pagsasalita. Umiling lang sya bilang sagot. Napaatras sya ng muli itong pumulot ng bote at aakmang magbabasag na naman ng maunahan ito ng kaibigang magsalita “ ano ba man, wag ka nga ditto manggulo… at isa pa talagang basag ng bote eh sa ulo mo na talaga mababasag yan…. Mas mabuti pang umuwi kana… your girlfriend is fetching you.”nakatingin lang sya ditto sa kung ano ang reaksyon nito sa salitang sundo. Malagkit ang tingin nito sa kanya. “tssss… anho bwaa angs ginwah nyan detow? Oh… are youww preghnaaant? Shinu nilowlowko mow babaey? ME?.. dow yow rem..remmember whhath dhid I.. I tell yow HUH?” sigaw nito habang mabilis na nakalapit sa kanya na hindi agad nila na napansin sa bilis ng nagging kilos nito. Nakahawak na ito sa kanyang braso’t mahigpit ang pagkakahawak sa kanya. Nataranta naman ang lahat ng mapansing tinulak sya nito at hindi na ito napigilan sa balak na gawin sa kanya dahil sa bilis ng pangyayari at ang pagbagsak nalang ng kanyang katawan bago sya natauhan. A scream and scolds echoes in the crowd.
Di na nya malaman kung ano ang nangyari sa kanyang paligid dahil sa pagiging blangko ng kanyang utak at nagkagulo narin sa kanyang kinalalagyan. Ang naramdaman nya lang ay may humawak sa kanyang braso’t tinilungan syang bumangon mula sa pagkakatulak. “ANO BA PAREEEE!!!!!!! BABAE YANG TINULAK MO!!!!!”galit na awat ng kaibigan nito sa lalaki. Habang inalalayan naman sya ng mga kaibigan na huwag masyadong malapit sa binata. Walang lumabas na mga salita mula sa kanya dahil sa ginawa nito na hindi nya aasahang magagawa talaga sa kanya.
Nagpupumiglas naman ang binata mula sa pagkakahawak ng mga kaibigan nito na masamang nakatungo sa kanya. “ Let me goooo…. Let me goo….” Anito sa mga kaibigan na gusto nang makawala. Nanginginig naman sya habang nakamasid sa ikinikilos ng lalaki at tahimik lang na naka-antabay sa kanya ang mga kaibigan. Ngunit hindi ito hinayaan ng mga kaibigan na makawala sa pagkakahawak subalit ayaw parin nito magpaawat dahil mas lalo itong nagging magulo at lalong nagalit na nakatingin muli sa kanya. Sa isang iglap lang ay nagkagulo muli ng biglang matumba ang isang kaibigan nito na nakahawak rin ditto. Isang malakas na sigaw ang nangingibabaw sa buong paligid at bigla nalang natigil mga tao,ang ingay at ang mga ilaw ng lugar na kanyang ikaguho ng mundo. “ LET ME GOOOO..”
“You’re nothing but trash, I don’t love you!!!!” sigaw nito’t nakaturo sa kanya. “ pangkaibigan lang na pagmamahal ang maibibigay ko sayo simula pa man noon pero dahil diyan sa kakitidan ng utak mo pati ako’y gusto mong maging sayo… I’m not a thing to be own by anyone. Pinagsiksikan mo yang sarili mo para mahalin kita pabalik at pinagpipilitan mo sa isang relasyong hindi ako sang-ayon tapos ANO? Gusto mong mabuntis? Iiyak ka pa sa harap ko’t magmamakaawa na ibigay ko na ang hiningi mo? I’m not a slave to follow all your bullshit creepy thing!. Dahil in the first place, wala ka lang naman talaga sakin---as in hindi kita mahal bilang nagpapatibok nito(pointing his chest), ikaw lang yong may gusto. And ow before I forgot, hindi ako ginaganahan kapag kasama kita sa kama, mas gusto ko pang mapag-isa at magsarili kaysa ikaw ka-s*x ko.. YES. A plain s*x with you woman.” Tuwid na ang mga salitang binitawan nito at walang imik ang mga taong naroon pati ang mga kaibigan nilang dalawa dahil sa pagkabigla ng lahat sa sinabi ng lalaki. It seems like a nightmare to her. His word is something like a sword that CUT her heart into pieces.
“HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA MAHAL..Ara Villareal… you hear that people? I don’t love her. ” anito habang pinagsisigawan pa sa harap ng mga taong naroon na hindi sya nito mahal na ikinawasak ng kanyang puso’t kalooban.Hard but the truth. Parang pinagsaluban sya ng langit at lupa sa narinig na katotohanan, totoo ngang mas masakit tanggapin ang katotohanan mula sa mali. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Ramdam ng lahat ang tension dahil wala paring naglakas-loob na basagin ang kung anong meron sa lugar. Iyak nya lang ang naririnig sa paligid na hindi na nya alintana pa, “you hear me? I don-“ hindi na nito natuloy pa ang sasabihin ng binate sa kanya ng hindi nya napansing nakalapit na pala sya ditto at isang malutong na sampal ang binitawan nya sa kaliwang pisngi nito. “ Thank you for insulting me.. Thank you for not loving me, and thank you for the things you have done to me. Yes…. yes.. I’m pregnant and you’re-------you’re not the FATHER.” Saad nya na hindi na nya alam kong bakit yon ang lumabas sa bibig nya. Nakatanga lang ang lahat at mas lalong ikinatahimik ng paligid dahil sa mga katagang kanyang binitawan. Bigla syang tumalikod ditto at hindi na hinintay pa ang reaksyon ng lahat. lumabas sya sa lugar na wasak ang kaloooban at durog ang puso. Wala na syang paki-alam sa dami ng mga taong naroon, nakipagsiksikan sya sa kumpol ng mga tao padaan, umiiyak syang naglakad at di na pinansin ang kung sino man ang nakakabangga nya. Mabilis syang nakalabas mag-isa, nakakalimutang may kasama pala sya. Paglabas nya nalanghap nya ang simoy ng hangin, hanging napakalamig. Napatingin sya sa kanyang paligid, wala pang kahit isang tao ang lumabas galing sa loob ng bar maliban sa dalawang bouncer ng nasabing lugar gayong hindi pa naman pala madaling-araw. Nakatayo syang nanginginig ang mga tuhod at nakatingala sa kalangitan habang badya ng luha ang kanyang buong mukha. Napakabigat sa kalooban ang mga pangyayari, winasak at dinurog ng pinong-pino ang kanyang puso at niyurakan din ng lalaki ang kanyang buong pagkatao. Dahil sa sakit na nararamdaman, di nya namalayang naglakad sya papuntang kalsada at wala syang maramdamang takot sa lagay na baka may dumaang rumagasang sasakyan at may mangyaring masama sa kanya. Nagpatuloy sya sa paglalakad at hindi nga sya nagkakamali, bigla nalang syang napatakip ng mata dahil sa sobrang sinag ng ilaw at alam nyang sa kanyang kinaroroonan ang direksyon nito. Nakatanga lang sya at parang napakabigat ng kanyang mga paa dahil hindi man lang nya maikilos ang katawan at sa kaisipang masasagasaan sya ay tinanggap na lang nya.
*
“my? Wag na kasi kayong mag-alala nila daddy. I can manage myself alone. Im a big independent woman now atsaka magka-baby na nga ako oh…” pagpapatahan nya sa ina habang yakap ito ng buong higpit. Hindi nya rin naman mapigilang umiyak sa sitwasyon meron sila, siya. Mahirap sa kanya ang mapalayo sa pamilya at magulang ngunit kung ang paglayo lamang ang tanging paraan para maka-iwas at ang daan sa pagtanggap nya sa katotohanang nakapagdulot sa kanya ng sakit, eh mas mainam na ngang mapalayo muna sya sa magulang kahit alam nyang masakit. Hindi nya pina-alam kung saan nga ba talaga siya pupunta, mas mabuting walang makaka-alam sa magiging kinaroroonan nya maging ang kanyang mga kaibigan. Gusto nyang mabuhay mag-isa at itaguyod ang kanyang magiging anak sa kung saan man siya magsisimula sa bagong yugto ng buhay nya. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng ama nya habang nakamasid sa kanilang mag-iina. Di nya naman mapigilang mapaluha sa lagay na yon, agad syang lumapit ditto at naglambitin sa leeg ng ama habang napahagulhol na sya. “ daddy…. Im so sorry.. sorry po na nagging matigas ang ulo ko.. pero daddy I love you so much.. mahal na mahal ko kayo ni mommy, kayo po nila kuya. Im so sorry for having me as your disappointment. “ di nya mapigilang magsalita sa lagay na yon dahil ayaw nyang magalit nga ng tuluyan sa kanya ang ama. Naramdaman nya ang pagyakap sa kanya ng mahigpit nito na alam nyang nag-alala lang sa kanya ang ama. “ ssssshhhh…. Kahit kelan di ka disappointment samin ni mommy mo ok.? Ikaw nga yong lakas namin eh.. “ anito habang nilayo sya nito ng bahagya ditto at pinakatitigan ng mabuti habang pinunasan ng marahan ang luhang umagos sa kanyang mga mata. Wala na syang ibang masabi pa sa kanyang mga magulang kundi ay napaka-swerte nyang anak .