Napatigil ako sa paghinga nang marinig ko ‘yung sinabi niya. “You’re really enjoying having a conversation, huh?” Malamig ang tono niya, pero may kakaibang lalim ang titig niya na parang tumatagos sa buong pagkatao ko. Napayuko na lang ako, hindi alam kung ano ang isasagot. Bakit ba parang may karapatan siya mag-react ng ganon? And why the hell do I feel guilty? “Uhm... hindi naman sa ganun,” mahina kong sagot habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Katahimikan ang namayani. Pero kahit walang salita, ramdam ko ‘yung presensya niyang mabigat. Parang sinisigawan ako ng tingin niya. “Siya lang ‘yung nakipag-usap—hindi ko naman siya in-approach,” dagdag ko pa, trying to explain kahit hindi ko naman alam kung bakit ako nagpapaliwanag. He leaned closer. “Don’t let just anyone get clos

