Napag-isipan kong maghanap muna nang part time job sa ngayon dahil nakakahiya naman kase kay Larzen, ayaw ko namang maging pabigat halos wala na nga akong nagagastos sa pang araw-araw na pagkain ko dahil siya na bumibili nang mga groceries. Mag-aalas sais palang din naman kaya napagdesisyunan ko na munang maglakad lakad muna, gusto kong makalanghap nang sariwang hangin. Hindi na ako nakapagpaalam kay Larzen, hindi niya naman siguro ako hahanapin diba? at tsaka minsan lang din naman siya umuwi nang bahay. Habang naglalakad ako ay may nadaan akong karatula nakasaad dito na kailangan daw yata nila nang cashier, mayroon pang nag offer sakin na maging saleslady sa isang kompanya. Pinuntahan ko muna ang shop nagha-hire nang cashier, simple lang ang shop na iyo pero halatang malago ang negosy

