Kaya napatingin ako sa tanong niya sa akin. Siya na nga ang may sugat tapos siya pa itong magtatanong kung may sugat ako? Hindi ko alam nang bigla nalang tumulo ang aking mga luha. "Pakawalan mo na ako parang awa mo na sa akin."umiiyak kong sabi sabay luhod sa harap niya. "Papakawalan kita basta sa isang kundisyon."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Ano?"tanong ko. "Papakasalan mo ako."sabi niya na kinagulat ko. Bakit ko siya papakasalan? Ni hindi ko siya nakita tapos bigla bigla ko nalang siyang papakasalan? "I'm sorry pero hindi ko 'yon magagawa."umiiyak kong sabi. "Kung gano'n umalis kana!"galit niyang sabi sabay turo sa pinto. "Totoo?"tanong ko. Hindi na siya nagsalita at bigla nalang siyang umalis sa harap ko. Kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng Mansyon. Hindi

