CHAPTER THIRTY TWO

3227 Words

"Patawarin mo sana ako sa lahat lahat, John. Hindi ko gustong magsinungaling sa iyo." Bumalik ako dito sa tinutuluyan namin ni Caesar, pero wala na siya rito. Tanging sulat lang ang iniwan niya at ang mga gamit ko. Sinabi rin sa akin ni Uncle na nagpasya na si Mabeth na sumama kay Caesar. Humingi rin ito ng tawad kay Uncle dahil sa pangloloko niya at panggagamit sa akin para lang magkabalikan sila ni Caesar. Nalaman ko rin na peke ang identity na pinakilala sa akin ni Caesar. Tanging ang pangalan lang nito na Caesar ang totoo sa kanya. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang murahin sa mukha. Pero wala na ring saysay iyon. Kahit pa magalit ako ng todo sa kanya o ipabugbog ko pa siya kay Uncle, hindi na rin naman mababago ang mga nangyari. Ang mga panloloko niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD