CHAPTER TWENTY ONE

1554 Words
Naalimpungatan ako ng gising. Sobrang sakit ng ulo ko. Halos mabiyak na. Naduduwal din ako at umiikot ang paningin ko. Ano bang mga nangyari kagabi? Birthday lang naman ni Migs at nagkasiyahan kami dito sa kanilang bahay. Pero bakit hindi ko na maalala ang ibang nangyari? Iyon ba ang sinasabi nilang hangover? Kung ganoon, ito nga ang na-eexperience ko ngayon? Gosh! Mas lalong sumakit ang ulo ko sa pag-alala ng mga nangyari kagabi. Parang mas lalong mabibiyak. Bumalikwas ako ng bangon mula sa kama at akmang tatayo nang bigla akong ma-out of balance at napahiga sa isang katawan. Agad kong inayos ang sarili ko. Pinagmasdan kung sino ang nahigaan ko. Biglang nanlaki ang mata ko. Tulog na tulog si Caesar at tanging boxer shorts lamang ang suot nito. Ginala ko ang paningin ko. Wala ni isang tao sa kwarto na tinulugan namin maliban sa aming dalawa. Mabilis akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Migs at ang boyfriend nito na sa sala natutulog. Naghihilik pa ang dalawa habang magkayakap. Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla na namang sumakit ang ulo ko. Ang kalat ng apartment ni Migs. Puro basyo ng bote ang nakakalat sa paligid. Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig. Nang makainom ako, doon na ako nahimasmasan. Dahan dahan akong bumalik sa kwarto kung saan naroon si Caesar. Muli kong pinagmasdan ito. Tulog na tulog pa rin ito. Kahit na nakapikit ay gwapo parin. Ang mga labi nito ay namumula. Ang mukha rin nito ay mamula mula dahil siya ay tisoy kahit na chinito ito. Ang muscle sa katawan nito ay hindi gaanong putok na putok. Katamtaman lang para sa kanyang tangkad at postura ng katawan. Maputi ang buong katawan nito. Aakalain mo na isa siyang modelo at hindi isang Nurse. Halata naman sa suot niyang boxer shorts ang naninigas na nitong kargada. Natatakam akong hawakan iyon. Pero mas nanaig ang respeto ko sa kanya. At isa pa, ayoko ng maulit pa ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit sa sobrang kagwapuhan nito ay nagkagusto siya sa isang baklang tulad ko. Hindi naman ako babaihin katulad ni Jolay o ng ibang bakla. Hindi ako maganda at walang maipagmamalaki. Pero sa isang katulad ko pa siya nagkaroon ng pagtingin. Hindi ko ata deserve ang kagaya niya. Makakaya niya kayang pakisamahan ako kahit pa nakatingin ang mata ng karamihan sa amin? Nagulat ako nang bigla itong gumalaw. Pumaharap ang higa niya sa akin at niyakap ako sa binti. Pero agad niya itong binawi at kinusot ang mga mata. Mabilis siyang bumalikwas ng bangon. Kinabahan ako. Baka magalit siya sa akin. Baka may mga ginawa ako kagabi sa kanya na dapat ay hindi ko gawin. Nag-iwas ako ng tingin. "Good morning, babe." Bati nito. Kumunot ang noo ko sa bati niya sa akin. Unti unti naman akong pumaharap sa kanya. Bakit may 'babe'? Anong ibig sabihin n'un? Tawag niya lang ba sa akin iyon? O may ibig sabihin? Malapad ang pagkakangiti nito sa akin habang ang dalawang palad niya ay nakasalo sa baba nito. Medyo naaasiwa ako sa pagkakangiti nito sa akin. Hindi ako sanay. Bakit parang ang sweet niya? "Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos, ah?" Tanong nito sabay tingin sa orasan na suot niya. "7:30 palang ng umaga, babe." Hindi pa rin napapalis ang kakaibang ngiti nito sa akin. Ayan na naman siya sa pagtawag ng babe sa akin. Ano bang nangyayari? Bakit parang may hindi ako alam? Oo nga pala, may hang over ako. Lumabas ng kwarto si Caesar. Ako naman ay nagtalukbong ng kumot dahil sa mga nangyayaring hindi ko alam. Wala akong kaalam alam. Hindi ko alam kung ano ba ang mga nangyari kagabi. Bakit ganoon ang mga ngiti sa akin ni Caesar? Bakit tinatawag niya akong babe? "Aaaargggghhh!" Inis kong daing habang sabunot ang buhok. Nakakainis talaga 'tong hang over na ito! Pinapangako ko talaga na hinding hindi na ako iinom ng pesteng alak na 'yan. Dahil dyan ay mapapahamak pa ako. Natigilan ako sa pag-iisip ng maulinigan ko sina Migs na nagtatawanan sa labas. Akmang palabas na sana ako ng kwarto nang biglang iluwa ng pintuan sina Caesar, Migs at boyfriend nito. "Ano na, sis? Lasing na lasing ka, ah?" Asar nito sa akin at nahiga sa kama. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Para kasing nakakahiya ang ginawa ko. O, kung ano man talaga ang nagawa ko dahil sa kalasingan. "Wala akong maalala, Migs." Patotoo ko rito. "Well, nagpakawalwal ka lang naman ng bongga kagabi." Simula nito. "Ewan ko ba sa'yo kung anong drama mo at naglasing ka ng bongga. As in, lasing na lasing ka sa apat na bote pa lang ng San Mig. Sayaw ka na ng sayaw sa gitna. Natatawa na nga lang kami sa'yo." Kwento nito. Doon ko na naitampal ang palad ko sa aking mukha. Napatingin pa ako sa direksyon ni Caesar na kasalukuyang nangingiti. Mas lalo akong nahiya sa mga nangyari. "Pero ang pinaka-highlight ng pagkalasing mo, noong kayo nalang dalawa ni Caesar ang natira sa inuman. And the rest, hindi ko na rin alam ang nangyari dahil nakatulog na ako." Dagdag nito. Biglang dumagundong ang dibdib ko sa huli niyang kwento. Para bang may konti akong alam sa sinabi niya. Mukhang napasubo ako dahil sa pag-inom ng malala. "Oh, maiwan muna namin kayo dyan. Magluluto lang ako ng breakfast." Paalam nito at lumabas na silang dalawa ng boyfriend niya. Si Caesar naman ay tumabi sa akin. Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit ba kada nasa tabi ko siya ay lagi akong kinakabahan? "Wanna know the whole story?" Tanong nito. Napatingin ako sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito. Parang hindi siya naapektuhan sa pagkalasing ko. Parang masaya pa ata siya dahil sobra akong nalasing. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Pero ang mga mukha namin ay unti unting naglalapit. Pero bago pa ako takasan ng katinuan, kailangan kong pigilan iyon. Baka kung saan pa mapunta ito. "May dapat ba akong malaman?" Agad akong nagsalita upang makaiwas sa titigan naming dalawa. "Ano bang nangyari?" Lakas loob kong tanong. Kumakabog ang dibdib ko habang naghihintay sa sagot niya sa akin. "We're officially together." Sagot nito. Napabuntong hininga ako ng malalim. Sabi ko na nga ba at tama ang kanina ko pang kutob. Iyon nga ang punto ng pagwawalwal ko. "S-sorry... lasing lang ako." "Nah! There is no turning back." Pigil nito sa akin. Hinawakan pa niya ang baba ko upang muling maghinang ang aming mga mata. "Alam kong nahihirapan ka dahil isa akong straight na lalaki. But just give me a chance na patunayan sayo na kaya kitang mahalin kahit ano ka pa." Dagdag nito at ngumiti sa akin ng sobrang tamis. Natunaw ang puso ko sa sinabing iyon ni Caesar. Alam kong hindi ko na mababawi iyon. Pero, ano pa bang magagawa ko? Naguguluhan man ako sa nararamdaman ko sa kanya, meron pa rin dito sa puso ko na gusto siyang pagkatiwalaan. At nagtitiwala rin naman ako sa kanya. Pero nangangamba lang ako na baka malaman ni Uncle ang tungkol sa amin. Paniguradong hindi niya iyon magugustuhan. Bahala na! Hinalikan ako ni Caesar sa labi. Gulat man, nilabanan ko ang halik na iyon. Hindi gaanong marubdob ang halik niya sa akin. Punong puno iyon ng pagmamahal at hindi lamang libog. Ngayon ko lang naramdaman ang halik na iyon. "I love you." Usal nito matapos na humalik sa akin. Ngumiti lamang ako. Pagtapos niyon, muli kaming binalikan ni Migs para ayain na kaming mag-agahan. Tiningnan ko rin ang cellphone ko. Punong puno na ito ng text messages at misscalls mula kay Uncle. Kaya nang matapos kaming kumain, agad din akong nag-ayos ng sarili ko. Nagpaalam na rin ako kay Caesar at sinabi rito na sa ospital na lamang kami magkita at mag-usap. PAGDATING ko sa bahay, busy sina Uncle at Luigi sa panonood ng basketball. Hindi nila ako napansin sa pagpasok ko, kaya naman dumiretso agad ako sa aking kwarto. Pero mali ako ng akala. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon si Uncle. "Mukhang inumaga ka?" Seryosong tanong nito. Hindi ko mapansin sa mukha ni Uncle kung galit ba ito sa akin dahil hindi ako nakapag-paalam sa kanya. "U-uncle, pasensya na. Bigla kasing nag-aya si Mi–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong nilapitan ni Uncle at pwersahan akong hinalikan sa labi. Halos magdugo na ata ang ibabang labi ko dahil sa pagkagat nito. "Ang ayoko sa lahat, iyong iniiputan ako sa ulo." Tiim bagang nitong sabi habang mahigpit ang pagkakahawak sa pisngi ko. "U-uncle, na-nasasaktan a-ako..." mahinang usal ko na may pangingilid ng luha. "Malaman ko lang kung sino ang kinakalantari mong lalaki, papatayin ko." Maawtoridad nitong banta bago ako binalibag sa higaan ko at iniwanan. Tahimik na lang akong napahagulgol habang iniisip ang kalagayan ni Caesar. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Natatakot ako para kay Caesar kapag nalaman ni Uncle ang katotohanan. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayaning itago ang umuusbong palang namin na relasyon. Paano kung mapatay siya ni Uncle? Mabuti ng ako nalang ang mawala kaysa siya. Hindi ko ata matatanggap na dahil lamang sa akin ay mawawala ang buhay niya. Hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko. Kung hindi ko sana pinasok ang sitwasyong ito, maaaring hindi siya mapahamak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD