CHAPTER TWENTY THREE

1643 Words
Napatigil ako sa paglalakad nang maaninag ko si Caesar sa hindi kalayuan. Nakangiti ito habang papalapit sa akin. Hindi ko malaman kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad, o hihintayin siya. Naguguluhan na naman ako. "Kamusta babe?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Nagulat pa ako nang hawakan nito ang kamay ko. "Tara?" Aya niya sa akin. Pero mabilis kong tinanggal ang kamay niya na hawak ang kamay ko at tinalikuran siya. Binilisan ko pa ang paglalakad ko upang hindi niya ako mahabol. Ngunit mabilis ang pagtakbo nito at hinarap ako. Muli akong natigilan sa paglalakad. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. "Anong problema mo?" Kunot noo nitong tanong. Hindi ko siya sinagot. Yumuko lamang ako. Ayokong sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pag-iwas ko. Alam kong kahit na sabihin ko sa kanya ang totoo, hindi niya iyon paniniwalaan. Bagkus, baka harapin niya pa si Uncle. "Huy! May problema ba tayo? Kahapon lang ay ayos tayong dalawa." Hinawakan nito ang baba ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Ayos ka lang ba?" May pag aalala sa tono ng boses nito. Tumango nalang ako bilang sagot at muling naglakad. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito ng makalayo na ako sa kanya. Gusto ko ng umiyak sa harapan niya at sabihin ang totoo. Pero natatakot ako sa maaari niyang maging aksyon. Ayokong may mangyaring masama kay Caesar. Mahal ko na siya at hindi ko kakayanin na pati siya ay madamay sa galit ni Uncle. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa locker room ng ospital. Nagkasabay pa kami ni Caesar sa locker pero kapansin pansin sa kanya ang hindi na pagpansin sa akin. Siguro ay nahimigan na nito na ayoko munang makipag-usap sa kanya. Nauna na itong lumabas nang mailagay ang mga gamit niya sa kanyang locker. Habang ako naman ay lugmok ang balikat at napasandal nalang sa pader. Hindi ko alam kung paano akong iiwas kay Caesar. Lalo pa ngayon at may namumuo na rin akong pagmamahal sa kanya. Tapos ay magkasama pa kami sa iisang ospital. Araw araw na nagkakadaupang palad. Paano ko ilalayo ang sarili ko sa kanya? Nasa ganoon akong isipin nang pumasok si Migs. Kumunot ang noo nito ng makita ako. "Ayos ka lang mamsh?" Tanong nito habang papalapit sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. Nilungkutan ko lang ang eskpresyon ng mukha ko at tumingin sa kanya ng diretso. Mukha namang nakuha nito ang gusto kong iparating. "Hmm... si Uncle na naman ba?" Taas kilay nitong hula. Tumango ako. "Ano bang gagawin ko? Pinagbantaan na siya ni Uncle, Migs. Natatakot ako." Hindi ko na napigil ang bugso ng damdamin ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko. "Tsk. Nako. Problema nga 'yan, mamsh. Pulis pa naman ang Uncle mo. Hindi nga malabong may gawin siyang masama kay Caesar." Nagpatuloy ako sa paghagulgol habang inaalo ako ni Migs. Gulong gulo na talaga ang utak ko. Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko sa dalawa. Gusto kong lumayo kay Caesar, pero siya naman ang nagpipilit na ilapit ang sarili sa akin. Hindi naman ako pwedeng humindi kay Uncle kapag gusto nitong makipagtalik sa akin. Dahil panigurado, pagdidiskitahan niya ang lalaking mahal ko kapag nalaman na niya. "Alam na ba ni Caesar?" Tanong nito at umiling ako bilang sagot. "Hay, nako. Kailangan niyang malaman, mamsh. Para atleast, alam niya kung ano ang dapat niyang gawin." Dagdag pa niya. "Paano kung komprontahin siya ni Uncle at sabihin ang tungkol sa amin? Hindi ko ata kakayaning masaktan siya ng dahil lang sa akin." Dahilan ko naman. Napabuntong hininga si Migs. "Mamsh, pinasok mo ang ganyang gusot. Dapat kaya mo rin 'yang labasan." Muli akong napahagulgol at napayakap kay Migs. Sa mga oras na ito, hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko. Wala atang magandang payo ang makakatulong sa ganitong sitwasyon ko ngayon. Mukhang dasal lamang ang makakatulong sa akin o sign para malusutan ito. Sana kapag sinabi ko kay Caesar ang totoo ay hindi magbago ang pagtingin nito sa akin. O hindi kaya ay layuan ako. Umaasa ako na maaayos ko ang ganitong gulong pinasok ko. Mahal ko rin si Uncle. Pero ang pagmamahal lang na nararamdaman ko sa kanya ay tanging sa makamundong pagnanasa lamang. Hindi katulad ng kay Caesar. Ramdam ko na mahal niya talaga ako. Na handa niya akong ipaglaban kay Uncle. Pero ang tanong, handa niya ba akong ipaglaban kapag nalaman niya na ang katotohanan tungkol sa akin at kay Uncle? TAPOS na ang duty ko at ready na sa pag out nang komprontahin ako ni Caesar sa locker room. Isinandal ako nito sa pader habang magkalapit ang mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito at ang gamit nitong pabango. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka mayroong makakita rito sa amin. "A-ano ba? Maga-out na ako." Utal kong sabi. "Hindi kita paaalisin hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang totoong problema." May awtoridad niyang usal. Napabuntong hininga ako. Hindi ito ang inaasahan kong tagpo kapag sinabi ko na ang totoo sa kanya. "Caesar..." tawag ko sa pangalan nito. Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Nangungusap ang mga mata ni Caesar. Animo'y naghihintay at nagmamakaawa na sabihin ko na kung anong laman ng utak ko. Hindi ko mapigilang mahabag sa kanyang ekspresyon. "Please naman, oh. Sabihin mo na kung anong problema? Para na kasing sasabog ang utak ko sa pag-iisip. Pagkatiwalaan mo naman ako." Pagmamakaawa nito. Muli akong napabuntong hininga. Siguro nga ay oras na para malaman niya na ang katotohanan. Gaya nga ng sabi niya, pagkatiwalaan ko raw siya. "Huwag tayong mag-usap rito." Ani ko. Lumayo naman ito sa akin at binigyan ako ng oras upang maayos ang aking gamit. Sabay na rin kaming lumabas ng locker room. Nadaanan pa namin si Migs na nagra-rounds. Nag thumbs up pa ito sa akin bilang tugon. Sa paglalakad namin, nakarating kami sa una niyang pinagdalhan sa aking lugar. Kung saan din unang naghinang ang mga labi namin. Kung saan niya unang hinayag ang damdamin niya para sa akin. Hindi ko maiwasang mangilid ang luha kapag naaalala ko iyon. Naupo kaming dalawa sa isang bench na medyo malayo sa mga tao. Magkalayo kami ng kaunti sa isa't isa. Walang gustong magsalita. Naghihintayan lamang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin iyon ng hindi natatakot sa magiging reaksyon niya. Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina. "John," si Caesar ang bumasag sa kanina pa namumuong katahimikan sa pagitan namin. Lumingon ako sa kanya. Kasalukuyan siyang nakatingala. Pinagmamasdan ang ganda ng mga bituin. Hindi ko rin maiwasang ituon ang tingin ko roon. Rumehistro ang maamong mukha ni Caesar sa madilim na kalangitan. Nakangiti ito sa akin. Hindi ko namalayang nangingilid na naman pala ang luha sa mga mata ko. "M-may aaminin ako sa'yo." Sa wakas ay nasabi ko rin. Alam kong napatingin sa akin si Caesar. Pero nananatili pa rin akong nakatingala sa kalangitan. Naghihintay lamang ito sa mga susunod kong sasabihin. Ang mga luha ko naman ay patuloy na lumalandas sa aking mukha. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. "M-may nangyayari sa amin ng U-uncle ko." pag-amin ko. Binaba ko ang tingin ko at nilingon si Caesar kahit pa nahihiya ako sa ginawa kong pag-amin. Halata sa mukha nito ang gulat. Hindi makapaniwala sa aking isiniwalat. Pinunasan ko muna ang luha sa mukha ko bago muling nagsalita. "Alam kong magugulat ka sa aaminin ko. Pero, 'yun ang totoo." Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Caesar. Kung kanina ay gulat ito, ngayon ay naging seryoso naman ito. Tinapangan ko ang sarili ko. Nandito na ito. Kailangan ko ng aminin ang lahat sa kanya. At kailangan ko na ding maging handa sa kung ano man ang magiging hatol niya. "Matagal na iyon. Bago pa tayo nagkakilala. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing makikita ko siya. Alam kong mali ang pumatol sa Uncle ko. Pero, wala e. Dinala ako ng makamundo kong pagnanasa sa ganoong sitwasyon. At noong pinasok ko ang sitwasyon na iyon, naging komplikado na ang lahat. Mas naging makasarili ako at hindi ko napigilan ang tawag ng laman. Nagpatuloy iyon kahit pa may asawa si Uncle." Pagpapatuloy ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ako handa sa mga susunod na reaksyon niya. Muli na namang lumandas ang mga luha sa mata ko. "N-ngayon, hindi ko alam kung paano ko pa itong pipigilan. Lalo pa't hawak niya ako sa leeg. Kapag nalaman niya ang tungkol sa atin, baka kung anong gawin niya sa'yo." Natigilan ako sa pagsasalita at tuluyan ng napahagulgol. Naitakip ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha upang pigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung tama ba itong ginawa ko. Kung iiwas ba ako sa kanya. Kung ipagpapatuloy ko pa ba ang nasimulan ko. Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Caesar. "Sssshhh... tahan na. Tanggap kita kahit ano pang aminin mo sa akin. Hayaan mong ipaglaban kita sa kanya. Hinding hindi kita iiwan." 'Yan ang mga salitang namutawi sa kanya habang tangan ako ng mga bisig nito. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. "N-natatakot ako sa maaari niyang gawin sa'yo." Ngumiti ito sa akin. "Magtiwala ka. Walang mangyayari sa akin. Huwag kang matakot." Naghahalo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inexpect na ipaglalaban niya ako kahit pa buhay niya ang nakataya. Kinakabahan ako na natatakot para sa kanya. Pero gaya nga ng sabi niya, pagkatiwalaan ko siya. Hindi ko alam kung deserving ba ako sa pagmamahal niya dahil napakabait nito sa akin. Ramdam ko talaga ang pagmamahal at ang sinseridad nito. Sino ba ako para tanggihan pa siya? Pero kung ano man ang kaakibat nitong pag-amin ko sa kanya, handa akong harapin iyon na kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD