Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ni Arthur. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Alas diyes na ng gabi. Ang haba na pala ng naitulog ko. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa sobrang pagod. Mabuti't nagising pa ako. Parang ayoko na nga dahil kapag naaalala ko si Uncle, naiiyak na naman ako. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan itong sarili ko. Naiinis ako sa ginawa sa akin ni Uncle, pero at the same time namimiss ko naman siya. Namimiss ko ang amoy nito, ang mahigpit niyang yakap, ang matatamis niyang halik sa akin, ang gwapong mukha nito, ang kargada niya. Lahat, namimiss ko kay Uncle. Parang gusto ko nalang na bawiin ang lahat ng sinabi ko sa kanya kanina at tumakbo pabalik rito para patawarin siya. Pero kapag naaalala ko ang ginawa niya, hindi k

