CHAPTER FORTY FIVE

3616 Words

Hindi ko alam kung nasaan na kami ni Arthur. Pero alam kong nasa labas na kami ng Sitio Alvarez dahil nadaanan na namin ang SLEX. Mahigit isang oras na rin kaming bumabyahe. Tumigil na ako sa pag-iyak ko, nakamasid na lamang ako sa mga nadadaanan namin ni Arthur. Pero hindi parin mawala sa isip ko ang tagpong nakita ko kanina. At kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasang maiyak na naman. Naka-ilang tawag sa akin si Uncle, pero hindi ko iyon sinasagot. Maging ang mga text messages nito ay hindi ko nirereplyan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko munang makapag-isip ngayon. Binuksan ni Arthur ang radyo ng sasakyan niya. Ito ang bumasag sa katahimikang kanina pa nananaig sa loob ng sasakyan. Saktong pinapatugtog ang kanta ni Whitney Houston na Didn't We Almost Have it All. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD