"Bakit ngayon ka lang?" Bungad ko kay Uncle nang pagbuksan ko ito ng pintuan. Dire diretso itong pumasok sa bahay na tila hindi man lang ako narinig o nakita. Isa isa niyang tinanggal ang mga suot niya at pumasok na sa loob ng aming kwarto. Naiwan naman akong tulala at napapaisip sa inasal ni Uncle. May nagawa ba ako sa kanya para ganun ang pakikitungo nito sa akin? Pero baka pagod lang ito dahil sa kanyang trabaho. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon at pinulot ko ang unipormeng hinubad nito sa lapag. Nagtungo ako sa aming kwarto at sinilip roon si Uncle. Kasalukuyan na itong nakahiga. Hindi ko alam kung nakatulog na ba siya, kaya tinawag ko ito. "Uncle, hindi ka man lang ba kakain ng hapunan?" "Busog ako." Mabilis na sagot nito. Napabuntong hininga ako. Lumapit ako kay Uncle at y

