Kinabukasan sa ospital, hindi ko alam kung paano kong haharapin si Caesar. Nahihiya kasi ako sa mga nangyari. Lalo na sa pagsuntok sa kanya ni Uncle. Pati na rin syempre doon sa nangyari sa amin sa bahay nila.
Nahihiya talaga ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon.
Tsaka, paniguradong magtataka ang iba naming mga katrabaho kapag nalaman nila ang nangyari.
"John," nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Caesar pala.
Kasalukuyan akong nasa locker room at naghahanda na para sa aking lunch break.
Hindi ko tuloy alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko. Nahihiya talaga ako.
"H-hi," tipid kong sagot habang nakayuko. Lalabas na sana ako ng locker room nang bigla niya akong pigilan.
"Sabay na tayong mag lunch." Sabi nito. Hindi ako sumagot n'un. Nanatili akong nakayuko.
Siguro ay nahalata niyang iniiwasan ko siya. Mula pa kasi kanina sa Nurse's Station, hindi na ako mapalagay. Sa tuwing kakausapin niya ako o kaya ay may itatanong siya, hindi ako makasagot ng maayos sa kanya.
"Oy, wala iyon." Sabi nito. Inangat niya ang ulo ko. Tumambad sa aking ang napaka-amo nitong mukha na may magandang ngiti.
Medyo mapula pa ang pasa malapit sa kanyang labi, pero hindi iyon iniinda ni Caesar. Parang wala nga lang sa kanya dahil all smile pa siya sa akin.
"Tingnan mo, oh." Sabay turo nito sa sugat. "Malayo 'yan sa bituka. Para saan pa't naging Nurse ako kung hindi ko kayang i-first aid ang sarili ko." Pabiro pa nitong dagdag.
"P-pasensya na talaga. Nagsabi naman na ako kay Uncle na humingi siya ng tawad sa iyo. Tsaka 'yung tungkol s-sa..." hindi ko na maituloy ang huling salita na gusto kong sabihin sa kanya. Alam naman niya kung ano ang tinutukoy ko.
Ngumiti ito sa akin. "No need to worry, John. Alam ko ang lahat ng nangyari. I'm well aware of that. Okay lang 'yun." Sabi nito na siyang nakapagpanatag ng loob ko.
Nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na mangyayari sa aming dalawa iyon. Kung hindi siguro ako nagbigay ng motibo, baka hindi ako nahihiya sa kanya ng ganito.
Teka nga. E, bakit ko pa ba inaalala iyon? Nagpaubaya naman siya, e. Jusko! Ang dami kong iniisip masyado.
NANG makalabas kami ng ospital ni Caesar para magpunta ng canteen, nakasabay pa namin si Migs na lunch break na rin.
As usual, inasar na naman ako ng baklita kay Caesar. Natatawa na lang si Caesar sa kanya.
Tapos puro tanong din siya about sa mga nangyari kagabi. Tikom ang bibig ni Caesar tungkol doon. Gusto niya kasi na ako nalang daw ang magpaliwanag sa bestfriend ko.
Pero wala pa namang alam si Caesar tungkol sa amin ni Uncle. Wala rin naman akong balak aminin sa kanya 'yun. Baka lumayo siya sa akin. Or worst, hindi niya na ako kausapin kailanman. Hindi ko ata kayang tanggapin 'yon ngayong magkalapit na ang loob namin.
Nakarating kami sa canteen at umorder ng kanya kanyang pagkain.
Tahimik lang akong kumakain, habang si Migs naman ang sigeng kwento ng kung ano ano kay Caesar.
"Oo nga pala. Bakit may pasa ka dyan sa pisngi mo? Saan galing 'yan?" Usisa ni Migs.
Tumingin sa akin si Caesar na parang binibigyan ako ng signal na ako nalang ang sumagot kay Migs.
Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago pumaling kay Migs. "Si Uncle ang may gawa niyan." Sagot ko.
Kumunot naman ang noo ni Migs sa pagtataka at nag palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Caesar. "Ha? Paanong si Uncle mo?"
Hindi ako sumagot kay Migs. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at pinapahula kung ano man ang ibig kong sabihin.
Nang mapagtanto niya ang lahat, napatango tango naman ito at natawa. Kami naman ni Caesar ang napakunot noo.
"HAHAHAHA! TALAGA? OMG! HAHAHAHAHAHA!" Hindi pa rin ito tumitigil sa paghalakhak kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
"P-pasensya na. Natatawa lang kasi talaga ako. Feeling ko, parang tagpo lang sa mga teleserye 'yung naganap." Dagdag pa nito na nagpipigil ng tawa.
Napabuntong hininga na lang ako sa reaksyon ni Migs. Nang mapalingon ako kay Caesar, kasalukuyan itong napapangiti.
"Oh, baka pati ikaw nagpipigil din ng tawa?" Tanong ko sa kanya na parang nagtatampo.
"Hindi, ah. Natutuwa pa nga ako, e." Sagot nito.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Pati rin si Migs na natigil na sa kakatawa.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Migs.
Nagkibit balikat lang si Caesar at tumayo na. "See you later." Sabi pa nito sabay kindat at tuluyan na siyang naglakad palabas ng canteen.
Anong ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi? Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ni Migs.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga kinikilos ni Caesar. Pero, parang kinikilig ako na ewan.
"OMG! I think, inlove na siya sayo, sis?" Pang-aasar ni Migs kaya nabalik ako sa huwisyo.
"Gaga! Baka naman nagbibiro lang 'yung tao. Tsaka ikaw na rin ang may sabi na huwag akong asyumera dahil wala akong puke." Paalala ko sa kanya.
"Oo nga. Pero iba 'yung sa Uncle mo at kay Caesar. Duh. Si Caesar, single. 'Yung Uncle mo naman ay may asawa na. Ayusin mo mga desisyon mo sa buhay, 'teh."
Alam ko namang boto si Migs kay Caesar para sa akin. Pero, hindi ko lang talagang kayang palitan si Uncle sa puso ko.
Oo, crush ko si Caesar. Pero 'yung pagmamahal na nabibigay ko kay Uncle, hindi ko kayang ibigay iyon kay Caesar.
E, paano nalang kung mali ang hinala ni Migs? Eh, 'di ako ang kawawa sa huli? Aasa ako, tapos mawawala din naman pala siya.
"Girl, choose wisely." Dagdag pa nito bago tuluyang tumayo.
Naiwan ako sa mesa na gulong gulo ang utak. Naguguluhan ang puso at utak ko.
'Yung puso ko, sinisigaw ang pangalan ni Uncle. Ito namang utak ko, sinasabi na mas piliin ko si Caesar.
Wala naman kasing pinapakitang motibo sa akin si Caesar. Ang alam lang naman niya ay may gusto ako sa kanya. Kaya hindi ko rin masabi kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya.
Dahil sa tindi ng iniisip ko, hindi ko tuloy namalayang late na pala ako.
TAPOS na ang shift ko, ganun din si Migs. Aayain ko sana siyang sabay na kaming umuwi pero tumanggi ito.
May kikitain daw kasi siya na nakilala niya sa isang Gay App. Kaya nauna na siyang umuwi.
Palabas na ako ng ospital ng makasalubong ko si Caesar. Kasalukuyan itong nakasandal sa gutter at parang may hinihintay.
Akala ko kanina ay nakauwi na siya dahil nagmamadali itong lumabas ng ospital.
"Ang tagal mo naman." Bungad nito na nakangiti sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka. "Ha?"
"Hindi ba sabi ko kanina, 'see you later.' Ang bilis mo namang nakalimot." Sagot nito at inangkla ang braso nito sa braso ko.
Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko naman kasi mahulaan kung ano bang ibig sabihin ng 'see you later' na iyon.
Pero saan naman kami pupunta?
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Saan ba ang punta natin?"
Kaloka! Wala namang pasabi itong si Caesar. Basta na lang nag desisyon ng ganun ganun.
"Basta. Sumama ka nalang." Muli niyang hinigit ang braso ko at naglakad na kung saan man kami papunta.
Nakarating kami sa gilid ng ospital kung saan may mga nagtitinda ng mga street foods.
Tambayan namin ito ni Migs kapag break naming dalawa o kaya ay kapag tapos na ang shift namin. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito dahil bihira na kung makasabay ko si Migs.
"Alam kong alam mo na 'tong lugar na 'to. Gusto ko kasing puntahan talaga 'to. Kaya lang, wala akong kasama. Boring kayang kumain dito ng mag-isa." Sabi nito at nilinga linga ang paningin sa mga stalls.
Ah. Kaya naman pala. So, mini date 'to, ganern?
Hoy, John! Huwag ka ngang asyumera dyan. Hindi porke't sinama ka niya dito, feeling mo nagdedate na kayo. Gusto niya nga lang ng kasama, hindi ba?
Hinila ni Caesar ang kamay ko sa isang stall na nagtitinda ng kwek kwek, kikiam, fishballs, cheesesticks at iba pa.
"Kuha ka lang dyan. Sagot ko." Sabi nito sabay kindat sa akin.
Piste! Bakit ba kasi ang pogi ng lalaking 'to at ang hirap niyang hindian? Hayst. Mali 'to, e.
Wala na akong nagawa kundi ang kumuha na rin. Nang matapos kami at makapagbayad na siya, nagtungo kami sa ilang mga bench sa gilid din ng ospital at doon naisipang kumain.
Kaunti lang ang tao rito dahil halos lahat ay nasa bungad at doon mas piniling magsikainan.
"Oooh. Ang sarap talaga." Ungol nito habang nguya nguya ang isang pirasong kwek kwek.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Para kasi itong bata na napapapikit pa.
Mukhang napansin niya ang pagtawa ko kaya napatigil ito. "Bakit ka naman natatawa?"
"Wala lang. Ang cute mo kasi. Para kang bata, e."
Ngumiti ito na labas ang ngipin. "Hindi lang ako cute. Pogi pa." Sabi niya at nag-Mr Pogi pose pa.
OMG! Ano ba 'tong nararamdaman ko sa kanya. Crush ko lang naman siya, e. Pero bakit parang iba na ang dating sa akin ni Caesar? Bakit parang mas lumalalim ang pagtingin ko sa kanya? At bakit parang mas komportable na ako sa kanya ngayon?
Tinigil ko ang mga haka haka sa utak ko at binaling na lang ang sarili sa pagkaing hawak ko.
"Bakit?" Tanong nito.
Huminga ako ng malalim. Ayoko mang itanong sa kanya ito dahil baka lumabas akong asyumera, pero kailangan. Kailangan kong malinawan.
Okay lang naman kung hindi ang sagot na inaasahan ko ang isasagot niya. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para rito.
"A-ano bang meron? Bakit mo 'to ginagawa?" Lakas loob kong tanong na hindi lumilingon sa kanya.
Bigla nitong hinawakan ang kanang kamay ko kaya doon natuon ang paningin ko.
"Gusto kita, John."