Forever can never be long enough for me To feel like I've had long enough with you Forget the world now, we won't let them see But there's one thing left to do Now that the weight has lifted Love has surely shifted my way Marry me Today and every day... Kanina pa paulit-ulit na tumutugtog ang awiting pinili ni Dominico para sa kasal nila ni Denisse. Nakailang ulit na rin silang nagsayaw hanggang umangal na ang asawa na masakit na ang paa sa suot na stiletto. Mangilan-ngilan na lang ang bisita sa Luna Hotel kung saan sila ikinasal sa isang garden wedding. Maraming bisita ang mga Silvestre. Ang bisita niya lang at malalapit na kamag-anak ng mga Guererro at ang Mommy Mercy niya na umuwi pa galing sa Hawaii. Idinaos ang magarbong kasal makalipas pa ang dalawang buwan. Hinintay nilang

