Humarap din si Dominic sa meeting nang dumating ang kapatid niya at dalawang supplier sa farm na kasama nito. Tahimik lang naman siyang nakikinig. At hindi maikakaila na magaling talaga si Denisse sa pag-manage ng farm na na-underestimate niya noong una. "Hindi ka pa rin ba uuwi sa bahay? Ang hirap pala kapag wala ka. At nami-miss namin nila Papa ang ingay sa bahay." Nakaalis na ang dalawang supplier at nagkukwentuhan na lang silang tatlo ni Bennett sa coffee shop. Ayaw pang umalis ng kapatid niya na ikinatuwa niya rin dahil hindi pa umaalis si Denisse. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dito sa hotel kung wala naman ang dalaga dito. "Parang sinabi mong ang ingay ko naman." "No, it's not what I mean. You are the light of the house, you know that." "Oh... Is that true?

