Gustong habulin ni Bennett si Marinella pero mabilis itong nawala sa paningin niya. Pumasok na lang siya sa opisina ni Denisse. Ito naman talaga ang pakay niya. "Good morning, Mr. Guererro. You are early." Naningkit ang mga mata niya kay Denisse. Kaswal na kaswal itong nagsasalita na parang hindi nito alam ang problema nila ni Ella. "What is Marinella doing here?" "She's working here since two days ago. Why?" "Why? Anong why? Anong laro ito?!" "Excuse me? Bennett, have a seat before I ask you to leave. Nandito si Ella sa Luna Hotel dahil bumalik siya sa Botolan at kailangan niya ng trabaho. What's wrong with that?" "Tumawag siya sa 'yo? Sa akin hindi?!" Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Denisse na tila nagtitimpi din sa kanya. Hindi siya umupo sa silya katul

