Alive Maaga akong nagising kinabukasan upang magluto sana ng almusal naming lahat. Azar was still sleeping soundly as well as Sloan. Tinabi ko na nga sa kaniya ang bata bago ako bumaba sa kusina. I found my mother in the kitchen washing the vegetables. I tied my hair in a bun before walking in her direction. "Good morning, Mama..." I greeted. Napalingon siya sa aking gawi. "Morning. Si Sloan?" "Still asleep," saad ko. Tumungo ako sa lababo para maghugas ng kamay. Then, I sat on the chair and pick the knife resting on the chopping board and start cutting the ingredients. Nasimulan na iyon ni Mama kaya ginaya ko na lang ang paghiwa. "Hindi ka pa rin papasok sa trabaho?" tanong niya. "No. But I will start working from home starting tomorrow. I'll just ask Amirah to send me the files.

