CHAPTER EIGHT

1762 Words
NAIWAN SI BECCA sa lalaking hindi niya kilala. Nakatitig lang ito sa kanya. Napanuri ang mga titig nito. Hindi niya alam kung ano ang kaugnayan nito sa lalaking umalis. Isa lang ang kanyang alam. Masama itong tao at kailangan niyang makaalis sa poder pero paano? Napatitig siya sa mga bodyguard nito. May mga baril ay nakasukbit sa bewang. Tila hindi papahuling buhay ang mga ito. Mukhang wala na siyang kawala. Suntok sa buwan kung makakatakas pa siya sa mga ito. "Ano ba ang kailangan ninyo sa akin? Hindi ako milyonaryo kaya wala kayong mapapala sa akin. Naiintindihan mo ba?" bulalas niya sa lalaking nakamasid lamang sa kanya. Hindi niya gusto ang mga titig nito. “Pwede bang manahimik ka? Marami akong iniisip,” galit nitong wika sa kanya. “Wala akong pakialam sa iniisip mo. All I want is my safety!” paghihisterikal niya. “Ibalik ninyo ang babaeng ito sa kwarto,” utos nito sa mga tauhan na kaagad naman siyang nilapitan. “Hindi! Ayokong bumalik doon! Dito na lang ako. Pangako mananahimik ako,” wika niya pa. Hawak hawak ng dalawang lalaki ang kanyang mga braso. “Bitawan niyo ako! Nasasaktan ako!” paghihisterikal niya pa. “Bitawan niyo na,” wika ng lalaki sa mga tauhan nito. Napahawak siya sa kanyang braso na nasaktan. Nilapitan siya ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kilala. Naniningkit ang mga mata nito. “Kung ayaw mong manahimik ay ibabartolina kita. Naiintindihan mo ba?” asik sa kanya ng lalaki kaya natigilan siya. Mas lalong mawawalan siya ng pag-asa kapagh nakulong siya ulit sa silid na ‘yon. Napaupo na lamang siya sa upuan na naroon at napaiyak. Ilang linggo din siyang itinago ng mga ito na nakilala niyang si Patrick at Samuel. Napag-alaman niya rin na magkapatid ang mga ito at si Samuel ay isang Villareal. Pinsang buo ni Mayor Ezekiel Villareal. “Kumain ka na ba?” tanong sa kanya ni Samuel. Marami itong dalang pagkain pero nang maamoy niya iyon ay bigla siyang nasuka. Napatakbo siya sa pinakamalapit na banyo at doon siya sumuka. Ilang beses na rin siyang sumusuka lalo na sa umaga. Nagulat pa siya nang makita si Samuel sa labas ng banyo. “Buntis ka?” tanong sa kanya ng lalaki. “Oo, buntis ako,” sagot niya. Dalawang buwan na kasi siyang hindi nagkakaron. “Sino ang ama?” “Bakit kailangan niyo pang malaman? Akala ko ba papatayin ninyo ako? Bakit pinapatagal niyo pa?” galit niyang tanong kay Samuel. Napansin niyang sunod-sunuran ito sa lahat ng gusto ni Patrick. Hindi nito magawang gumawa ng sariling desisyon. “Ang tinatanong ko ay kung sino ang ama?” galit na sagot sa kanya nito. “Sabagay isa ka nga palang Villareal. Lahat ng gugutushin mo ay malalaman mo,” wika niya sa lalaki. “Si Hunter ba?” tanong nito sa kanya kaya napatitig siya sa lalaki. “Kilala mo si Hunter?” namilog ang mga mata na tanong niya. “Si Hunter na dating kasintahan ni Alani. Tama ba ako?” tanong pa nito. “Alam mo naman pala nagtatanong ka pa,” ismid niyang sagot. Muli na naman tumibok ang kanyang puso nang marinig niya ang pangalan ni Hunter na palaging lamang ng kanyang isipan. Lumabas siya ng banyo pagkatapos niyang daanan si Samuel na nakaharang sa pintuan. “Bakit mo pinatulan si Hunter? Hindi ba ang mahal niya si Alani?” tanong pa ni Samuel sa kanya. Nilingon niya ito at tintigan. “Ano naman ang pakialam mo sa nararamdaman ko? Kung sino man ang patulan ko ay wala kang pakialam,” pauyam niyang sagot. “May pakialam ako Becca dahil hawak ko ang buhay ninyong mag-ina.” “Wala akong pakialam,” sagot niyang muli itong tinaliikuran. Nabigla pa siya nang hilahin ni Samuel ang kanyang buhok. Napangiwi pa siya sa ginawa nito. “Sa susunod ay ‘wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita. Naiintindihan mo ba?” tanong niya sa kanya ni Samuel. Napangiwi siya sa sakit nang ginawa nito. “Nasasaktan ako ano ba!” “Masasaktan ka talaga kapag hindi mo ako sinasagot!” bulyaw pa sa kanya ni Samuel. “Ano bang gusto mo malaman?” tanong niyang hawak ang buhok na nasaktan. Pinakawalan ni Samuel ang kanyang buhok. “Ang lahat-lahat Becca. Anong kaugnayan mo kay Hunter? Sino siya sa buhay mo?” tanong sa kanya ng lalaki. Mangiyak-ngiyak siya sa sakit. “Noon pa man ay lihim ko nang minamahal si Hunter at lingid iyon sa kanila ni Alani. Kaya nang maghiwalay sila ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Isuko ko ang lahat kay Hunter. Akala ko magiging sapat na ‘yon pero hindi pala dahil hindi ko kayang maging panakip-butas lamang,” wika niya kay Samuel. Sa halip na indahin niya ang pananakit ni Samuel ay mas naging sariwa pa ang sakit ng kanyang puso. “Pinili kong magpakalayo-layo kay Hunter at hindi ko alam na buntis ako sa kanya,” dagdag niya pang wika. “Alam mo bang magkapatid si Ezekiel at Hunter sa ama?” tanong sa kanya ni Samuel na ikinagulat niya. Napatitig siya sa lalaki. “Tama ang narinig mo Becca. Magkapatid silang dalawa. Isang Villareal ang minamahal mo,” wika pa ni Samuel sa kanya. “At isa ka ring Villareal, Samuel. Iyon nga lang ay malayong-malayo ka sa kanila,” sagot niya kay Samuel. “Hindi ako tunay na Villareal, Becca. Kahit sa ama ko ay nakikipagkompetensiya ako. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tunay akong Villareal,” wika ni Samuel sa kanya. Ang dami niyang nalaman na rebelasyon mula sa lalaki. “Alam mo ba nang simula ninyo akong dukutin ng kapatid mo? Nawalan na ako ng ganang mabuhay Samuel dahil alam ko rin naman na aabot tayo sa sukdulan at papatayin ninyo ako. Wala kayong makukuha sa akin Samuel. Ordinaryo lang akong tao na nagmamahal sa taong hindi naman ako mahal,” wika niya sa lalaki na umiiyak. “Pinapahanap ka sa akin ni Hunter,” wika nito kaya muli siyang napatitig sa lalaki. “Para na siyang nababaliw sa kakahanap sa’yo at maging si Ezekiel ay humingi na rin ng tulong,” dagdag pa ni Samuel sa kanya. Hindi niya akalain na hahanapin siya ni Hunter. Akala niya nga ay matutuwa pa ito na wala na siya. “Wala akong plano na makipaglokohan sayo Samuel. Hindi mo na ako kailangan pang paasahin,” wika niya pa sa lalaki na nakangiti. “Ngayong buntis ka ay may panghahawakan na kami sa mga Villareal. Magagamit namin ang batang ‘yan sa aming mga plano,” wika pa ng lalaki sa kanya. “Sukdulan ang kasamaan ninyong magkapatid. Anong kinalaman ng anak ko sa mga plano ninyo? Inosente ang anak ko Samuel!” sigaw niya sa lalaki. “Maraming atraso sa amin ang mga Villareal.” “Pero kung hindi dahil sa kanila ay wala ka ngayon,” giit niya pa. “At kinamumuhian ko ang pangalan na ito. Hindi lang buhay mo ang hawak namin Becca kundi maging ang buhay ng anak mo,” nakangisi pang wika ni Samuel sa kanya. MABILIS na lumipas ang panahon at ibinahay na siya ni Samuel sa Manila. Binigyan ng bagong pangalan, binihisan at binago ang buong pagkatao. Pilit na inaalis sa kanyang pagkatao si Becca at ngayon ay siya na si Angeline David. International model. Nagkaroon siya ng career dahil kay Samuel. Ang masakit ay ito na ang kinikilalang ama ng kanyang anak na dapat ay si Hunter. Hawak ni Samuel ang kanyang anak kung kaya napipilitan siyang gawin ang lahat ng gusto nito. Pilit na inaalis ni Samuel ang kanyang nakaraan. Ganun pa man kahit na alisin ni Samuel ang kanyang nakaraan ay siya pa rin ang dating si Rebecca na simple lamang at walang ibang hangad kundi ang mahalin ni Hunter. Kay bilis lumipas ng panahon. Pinag-aral siya ni Samuel. Tinuruan kung paano maging isang modelo at makilala sa lipunan. Kung ikukumpara siya sa dating Becca ay malayong-malayo na siya. Marami na rin ang tumitingala sa kanya. Isa na siyang international model ngayon. Napatingin siya kay Sam. Malaki na ang kanyang anak kay Hunter. Spoiled si Sam kay Samuel. Lahat ng gustuhin si Sam ay ibinibigay nito na akala mo ay tunay nitong anak. Oo, mabait si Samuel kay Sam at hindi niya alam kung ano ang magagawa nito kapag inilayo niya si Sam rito. Baka patayin siya ni Samuel kapag nagkataon. “How’s my baby?” tanong ni Samuel kay Sam. Galing Sorsogon si Samuel at weekend lang pumupunta sa Manila. Gustuhin niya man na sumama sa lalaki sa Sorsogon ay malaking kasalanan iyon sa lalaki. Pakiramdam nito ay babalik siya kay Hunter. Nilapitan siya ni Samuel at akmang hahagkan pero tinabig niya ito. Wala itong magawa. “Darating si Patrick mamaya,” wika ni Samuel sa kanya. “Bakit?” tanong niya. Alam niyang kung hindi dahil kay Samuel ay baka pinatay na siya ni Patrick. Sila ng kanyang anak. “Tandaan mo kung hindi dahil sa akin ay wala na kayo ng anak mo Angeline. Ako ang bumuhay sa’yo. I made you. Hindi mo kilala si Patrick kapag nagalit,” paalala pa nito sa kanya. “Alam ko Samuel,” sagot niya. “Ayusin mo ang sarili mo at ipakita mo sa kanya na hindi na ikaw ang dating Becca. Ikaw na si Angeline David, ang asawa ko,” wika pa nito sa kanya. Gustuhin niya mang tumawa dahil sa sinabi nito ay hindi niya magawa. Kailanman ay hindi siya pumayag na maging asawa ni Samuel kahit pa pinipilit nitong magpakasal silang dalawa. “Hindi mo na kailangan pang ulitin. Matagal na tayong naglalaro kaya ‘wag kang mag-alala. Hiling ko lang sana na tulad ng dati ay ilayo mo si Sam kapag nandito ang kapatid mo. Ayokong nakikita siya ni Patrick,” wika niya pa. “Nag-usap na kami Patrick. Hindi niya gagalawin sa poder ko si Sam.” “Wala akong tiwala sa kapatid mo Samuel. Gawin mo na lang ang gusto ko,” wika niya pa kaya walang nagawa si Samuel kundi ang tumango na lamang. “Daddy! Daddy! I want chocolate,” wika ni Sam na lumapit kay Samuel. “Ask Yaya Rose baby,” sagot ni Samuel kay Sam na ginulo ang buhok. Bibo na tumakbo naman si Sam sa kanyang Yaya Rose. Hindi niya magawang mapangiti sa katayuan nilang mag-ina. Nalulungkot pa rin siya kahit pa nasa kanya na ang lahat. Hindi niya alam kung paano pa sila makakaligtas kay Patrick at Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD