HINDI AKALAIN ni Hunter na magagawa siyang lasunin ni Patricia. Tinulungan niya itong magkaroon ng trabaho at higit sa lahat ay hinayaan niyang tumira sa kanyang resort pagkatapos ay ito lang ang gagawin sa kanya? Ang lasunin siya? Wala naman siyang dapat na paniwalaan kundi si Becca lamang. Alam niyang hindi ito gumagawa ng kwento. Maging siya ay nagduda rin ng ayaw nitong ibigay ang kape sa kanyang ama. "Mayor?" tawag sa kanya ng tauhan niya na kumatok sa kanyang opisina. Hindi niya muna pinapasok si Becca dahil ayaw nitong iwanan ang mga bata sa mansyon. Napangiti siya. "Ito na po ang listahan ng mga may pangalang Lourdes sa ating lugar. Nakalagay rin po rito ang Lourdes na may asawa at walang asawa, maging ang mga batang Lourdes," wika pa sa kanya. "Maraming salamat. Kailangan na

