WALANG MAPAGSIDLAN ang mga ngiti ni Samuel dahil madalas na silang nag-uusap ng palihim ni Becca. Sa tuwing na tinatawagan niya si Sam ay ito ang nakikipag-usap sa kanya. Ang lahat ay biglang nagbago. Pakiramdam niya ay may gusto sa kanya si Becca. Kinikilig siya sa tuwing na pinapaala nito sa kanya na ingatan niya ang sarili niya. Pakiramdam niya ay lumalalim ang kanilang samahan. "Happy?" puna sa kanya ni Gemma. Kakapasok niya lamang sa opisina at sinundan siya nito kaagad. Umupo ito sa kanyang mesa. "Nagiging ugali mo na yatang upuan ang mesa, hindi mo ba nakikita ang upuan?" pauyam niyang tanong. Wala siyang plano pakipaglandian dito dahil si Becca lamang ang laman ng kanyang isipan ngayon. Napaismid si Gemma dahil sa kanyang sinabi. Lumipat ito ng upo. "Dalawang araw kang absen

