Emma’s Point of View Ipinakita sa akin ni Juna ang bilog na device na hawak hawak niya kung saan namin makikita ang pinuntahan ang sasakyan na nalagyan namin ng tracker. Hawig sa boogle maps ang interface nito liban sa pagiging detailed ng mga lugar. Ipinapakita rito ang kasalukuyan naming lokasyon, at nakalagay rito ay Barangay Santolan District II. Isang malaking kulay pula na bilog ang tanda na nakalagay sa device na nagsasabing kami iyon at ang maliit na kulay pulang bilog naman ay ang lokasyon ng mga may hawak sa vial. Para hindi kami nalito ay dinesenyo ng gumawa nito na magblink ang bilog sa aming target kaya talagang maagaw nito ang pansin ng may hawak. Hinigop ko na ang huling higop sa aking kape at saka tumayo para tunguhin ang kotse at ganun din ang ginawa ni Juna. Tinawag ko

