Alex’s Point of View Makalipas ang ilang oras ng aking sight-seeing sa lab niya, ay napagdesisyunan namin na tumaas na ulit, siguro naman ay sumuko na sila sa paghahabol sa akin. Dumaan ullit kami sa mabahong drainage system kung saan hindi ko kinakaya ang amoy. Ilang minuto rin ang aking tiniis at narating din namin ang hagdan pataas. Nauna na akong umakyat sa kaniya at maingat akong lumabas at kaagad nagtago sa kaniyang munting tahanan. Hindi nagtagal ay sumunod siya sa akin at hindi katulad ko ay hindi naman siya hinahabol ng mga tao. Kayal ligtas naman siya kahit makita pa siya ng ibang tao riyan. “So anong plano mo sa lab?” tanong ko sa kaniya at tiningnan niya muna ako bago dumeretso sa dati niyang pwesto at pumwesto run. “Babantayan ko pa rin iyon hanggang sa huling hininga ko,”

