Emma’s Point of View Dahan dahan kaming naglakad palapit sa ilaw, iniiwasan ko ang mga bagay na maaring makaagaw ng atensyon ng kung sino man yon. Tumingin ako kay Ginang Leila na maiging kinikilatis kung sino man ang taong iyon, maliban kung isa iyong extra-terrestrial species na handa sakuppin ang aming planeta. Kung totoo ang mga ito. Nakahanda na sa aking mga kamay ang baril na kaniyang inabot sa akin kanina. Gumalaw na ito at nagpatuloy kami sa pagsunod dito, hanggang sa makarating kami sa main camp nila. May isang malang bonfire sa gitna ng mga tents at isang bandila bilang simbolo ng kanilang samahan at sa pagkakataong ito ay nagkaroon na kami ng malinaw na pananaw sa silhouette ng kaniyang katawan. Tao nga ito, hindi alien. Base sa kaniyang pangangatawan ay isa itong lalaki. Nagpa

