Emma’s Point of View
“Ma’am narito na po ang mga pagpipilian niyong damit na isusuot sa party,” pumasok ang isang maid sa aking kwarto na dala-dala ang dalawang ball gown na pinabili ni Dad para sa akin. Isang kulay pula at isa namang kulay asul.
“Iwanan mo yung kulay pula,” utos ko rito. Inilapag niya naman ang pulang ball gown sa aking kama bago ito lumabas sa aking kwarto. Tinapos ko muna ang mga documents na inaayos ko bago ko ito puntahan at dinala sa harap ng salamin. Sinukat ko ang gown at bumalik uli ako sa harap ng salamin.
Ang ganda!
Bagay na bagay sa akin ang pulang gown na aking napili. Umikot-ikot ako sa salamin at kinikilig ako kapag naiisip ko ang magiging itsura ni Alex kapag nakita niya ako na suot ito. Ngunit napasimangot naman agad ako nang maalala ko ang ugali ng lalaking iyon. Probably, hindi niya ako mapapansin at magtatago iyon sa isang sulok kung saan walang makakapansin sa kaniya. Ayaw na ayaw ng lalaking iyon ang maging sentro ng atensyon. Naalala ko nanaman nung homecoming namin noong kami ay nasa kolehiyo pa, naging king and queen kaming dalawa. Ito namang si Alex biglang hinimatay at pinalitan naman ng isa kong kaklase.
Kinuha ko ang aking smart phone at kumuha ng isang litrato, pagkatapos ay pinost ko ito sa Instaglam.
‘Ready for the night!’
Hinanap ko naman ang contact ni Alex nang makuntento na ako sa pagkuha ng aking mga selfies. Tinawagan ko ito at hinintay na sagutin niya ito sa kabilang linya. Mga ilang beses ko pang pinaulit-ulit ang pagtawag sa kaniya bago ako sagutin.
“Emma, bakit?” tanong nito sa kabilang linya.
“Anong bakit, pupunta ka ba?”
“Yes, I’m on my way there.”
“Talaga?” hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya.
“Este, maliligo pa lang ako hehe,” amin nito. Sabi ko na nga ba, kahit kailan talaga hindi ko mapapaniwalaan ang “otw” na yan.
“Oi Alex pag hindi ka sumipot dito aawayin talaga kita,” hinaing ko sa kaniya.
“Don’t worry, mahihirapan ka lang na hanapin ako,” biro nito at saka siya tumawa sa kabilang linya.
“May araw ka rin sa’kin Mr. Medina,” banta ko sa kaniya.
“O siya goodbye na, maliligo pa ako hehe,” pamamaalam niya sa akin.
“Okay, goodbye basta huwag kang mala-late kung hindi patay ka kina Mom,” pananakot ko sa kaniya tsaka ko binaba ang telepono at humiga sa kama. Pinagmasdan ko ang kisame ng aking kwarto na may nakalaylay na isang maliit na chandelier.
Ano kayang mangyayari kung mahulog ito sa akin ngayon? Sigurado patay ako, pero paano kung mahulog ito habang natutulog ako? Katulad ng isang pekeng kaibigan na sinisira ang iyong reputasyon nang hindi mo nalalaman. Nangyari na sa akin ito nung nagsisimula pa lang kami ni Alex sa kaniyang proyekto. Nakukumbinsi ko pa lang aking mga magulang na suportahan kami sa proyektong ito nang sinabi ko sa kanila magdadala ito ng karangalan sa aming pangalan.
Sa totoo lang ay pagod na pagod na ako maging miyembro ng pamilyang ito dahil simula pa lang nung pagkabata ko ay may mga kadena nang nakakabit sa aking mga kamay, parang isang puppet na kinokontrol ng kaniyang puppet master. Gawin mo ito, gawin mo yan, huwag mo kaming susuwayin, huwag kang magdala ng kahihiyan sa pamilyang ito. Sawang sawa na ako marinig ang mga salitang iyan sa kanilang bibig. Kailan ba ako magiging ako? Yung wala nang magdidikta sa aking mga kinikilos.
Kailan ba ako magiging malaya?
Hanggang sa namalayan ko nalang ay nabubuhay na pala ako sa likod ng isang maskara na ginawa ng aking pagkatao para itago ang mga nararamdaman ko. Wala ako ni isang kaibigan, at kahit karamay man lang kung may pinagdadaanan ako. Kung mag open up man ako sa mga magulang ko ay sasabihin nila na kaartehan lang yan at ikukumpara pa nila ang kanilang mga karanasan sa akin. Pero nagbago ang lahat ng ito nang magkrus ang aming landas ni Alex at sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng kakompetisyon sa mga bagay kung saan ako magaling. Nung una ay karibal ang tingin ko sa kaniya ngunit sa isang pangyayari ay nabago ang lahat ng ito. Sa unang pagkakataon ay may taong nag abot sa akin ng kaniyang kamay at nag-angat sa akin sa kailalim-laliman ng aking pagkatao. Biglang nagliwanag ang aking madilim na mundo nang kaniyang tanggalin ang maskarang nagpapadilim dito. Siya ang umaga na aking hinihintay sa aking buhay at simula noon ay naipangako ko sa aking sarili na sa pagkakataong ito ay gagawin ko nang tama ang lahat. Natuto ako makipag-kaibigan at tumulong sa mga nangangailangan. Natuto rin ako na manindigan para sa aking sarili at nagsimula na rin akong matuto na tingnan ang mga positibong aspekto ng bawat bagay. Kahit paunti-unti ay nagkakasundo na rin kami ng aking mga magulang pero hindi pa rin ako nakakawala sa kanilang mga kadena.
Balang araw ay tuluyan ko rin itong maalis sa aking mga kamay.
Pero nalasap kong muli ang pait ng buhay nang sirain ng sarili kong kapatid ang aking imahe sa aming pamilya. Nagiging delusyonal na raw ako katulad ni Alex dahil wala pa rin kaming napapatunayan sa aming proyekto matapos ang isang taon. Miski isang porsyento ng progreso ay wala at dahil doon ay muntikan na akong maitakwil ng aking sariling pamilya at ipasabotahe ng aking mga magulang ang proyekto na pinaghirapan ni Alex.
Talagang nainis ako sa pambabastos niya kay Alex, kahit hindi niya pa ito lubusang kilala.
Ginawa ko ang lahat para mapatunayan sa aking mga magulang na magdadala ako ng karangalan sa kanilang pangalan dahil pagkakataon ko na para magantihan ang kabutihan ni Alex. Yun din ang unang pagkakataon na sumugal ako sa aking buhay at pinangako ko sa kanila na matatapos namin ang proyekto sa loob ng isa pang taon. Kaya sinadya ko talagang marinig ni ginoong Abejero ang aming usapan at sa kabutihang palad naman ay nagtagumpay ang aking plano. It’s now or never kumbaga, at ngayon ay tuwang-tuwa sila dahil nagbigay ako ng isang malaking karangalan sa kanilang pangalan.
May kumatok sa pinto at agad naman akong bumangon para pagbuksan ito. Nakita ko naman na si Dad ang nasa likod ng pintuan.
“Honey, are you ready?” malambing ang tono ni Dad.
“Yes dad, I’ll be there in a minute,” sagot ko sa kaniyang tanong.
“Is Alex coming, remember this party is for you and him, hindi pwede na hindi siya makakarating ngayong gabi,” pagpapaalala niya sa akin. “Too many important people are attending tonight, we can’t let this event give shame to our family,” ayan nanaman siya sa pride niya.
Binigyan ko na lamang siya ng isang ngiti at tumango rito. Naglakad ito palayo sa aking kwarto at bumaba sa may hagdanan bago ko isinara ang pintuan. Tiningnan ko naman ang aking cellphone na kanina pa nagba-vibrate.
“Instaglam: mstrbrng2, shnchii, and 450 other people liked your photo.”
“New text message from Alexander the Great.”
“One missed call from Alexander the Great.”
Agad ko namang pinindot ang text message ni Alex sa akin.
“From: Alexander the Great
Emma papunta na ako! It’s for real this time. HAHAHAHA, tsaka pala tumawag ako kanina pero nevermind. I think you are busy right now hehe.”
Agad ko namang tinawagan si Alex.
“This subscriber cannot be reached, please try again later,” sinagot naman ako ng isang babae dahil hindi sinasagot ni Alex ang aking tawag. Nagdadrive na siguro kaya hindi ko na uli siya sinubukan pang tawagan.
Humiga nalang uli ako sa kama dahil ayoko pang bumaba, at makipagplastikan sa mga guest ni dad. Madalas ay mga lalaking nanghuhumaling sa aking kagandahan ang mga lumalapit at pinagyayabang ang kanilang mga yaman at ang kapangyarihan nila sa mga mamamayan. Hindi ko iyan kailangan dahil kasamaan lang ang naidudulot ng mga iyan. Tsaka may lalaki nang napili ang aking puso.
“Ma’am tawag na po kayo ng papa niyo,” tawag sa akin ng maid.
“Okay!” tipid na sagot ko sa maid.
Alex asan ka na kasi!
Dineretso ko naman ang aming guest room kung nasaan ang aking dad at hinanap siya. Malaki ang guest room namin at talagang dinesenyo para ipagdaos ang mga pagdiriwang.
“Oh Amelia how have you been?” bati sa akin ng isang lalaki na hindi ko matandaan ang pagkakakilanlan.
“I’m fine, talk to you later,” sagot ko sa kaniya at dere-deretso pa rin ako sa paglakad.
“Rude,” rinig kong bulong nito. Well, I don’t care!
Pinagpatuloy ko ang paghahanap kay dad sa gitna ng mga taong naguusap-usap. Halos mga mukha sa pulitika ang naririto ngayon kaya sinisikap ko na wala akong mabangga kahit isa. Nakita ko naman si dad sa di-kalayuan na may kasamang mga, taishan? Pinuntahan ko ito at napansin niya naman ang aking pagdating.
“Honey come here!” tawag niya sa akin. “Mr. Xi, this is my daughter Amelia, she is the only assistant of our Miracle Doctor,” pagyayabang niya.
Parang pamilyar ang pangalan na iyan.
“Tawag niyo raw po ako,” bulong ko rito.
“Yes and this is why I called you,” bulong nito pabalik. “This is President Xi Jingsung, the president of Taishin,” pagpapakilala niya sa taishan na kasama.
“You have a beautiful daughter Mr. Cruz,” papuri sa akin ni Mr. Xi.
“Thank you,” tipid na tugon ko. Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko at si Alex ang tumatawag. Nice! “Please excuse me, I have some business to attend to,” pasintabi ko.
That saved me! Sinagot ko ang kaniyang tawag.
“Alex asan ka na!” bungad ko sa kaniya.
“Pwede mo ba akong sunduin sa labas? Nahihiya kasi ako,” pakiusap nito.
“Wait for me,” agad naman akong naglakad palabas sa aming guest room at nilabas ang bahay. Nakita ko si Alex na nakatayo sa tabi ng kaniyang kotse at binaba ko naman ang telepono na nakakonekta pa rin sa kabilang linya.
“You look beautiful today,” compliment ni-
Wait, what!?
Pinuri niya ako? For the first time!
Napahawak naman ako sa aking dibdib at umaktong nagulat.
“Alex, may kailangan ka ba sa akin or nambobola ka lang para gawin ko yung kailangan mo sa akin,” pabiro kong komento sa inakto niya.
“Hindi, wala akong kailangan it’s just you’re beautiful today, no make-up or any cosmetics. Just pure natural beauty,” napatalon naman ang aking puso dahil sa mga sinabi niya. Kinikilig ako! “Where’s your glasses?” tanong nito.
“Naka contacts ako,” ani ko. “Tara sa loob,” inaya ko siyang pumasok, at kahit anong oras ay pwedeng magwala ang aking puso at tumalon ito palabas sa aking katawan dahil sa sobrang saya.
“Hey Emma, can you accompany me until the party ends?” paghihingi nito ng pabor. Sabi ko na nga ba may kailangan sa akin ang loko, pero dahil sa napasaya ako ng mga salita niya ay pagbibigyan ko siya.
“Kapag hindi ako pinatawag ni dad, dito lang ako sa tabi mo,” kinindatan ko ito at napangiti naman siya. “Tara hanap na tayo ng lamesa and doon lang tayo,” alok ko sa kaniya.
“Tara doon nalang tayo sa labas,” suhestyon nito.
“Why?” nagtaka ako.
“Well doon walang masyadong tao, just the two of us,” palusot nito at muli ko namang ikinatuwa.
“Pero doon tayo sa malapit para marinig natin kung may announcement man sila dad,” kondisyon ko at agad naman siyang pumayag. Lumabas kami at pumunta sa tapat na garden ng guest room. Sa kabutihang palad ay may swing dito na pandalawang tao, tinuro ko ito sa kaniya at agad naming pinuntahan. Syempre dahil walang pake sa pagiging gentleman ang lalaking ito ay siya ang nauna pumasok sa swing at sumunod naman ako. Tumingin naman ito sa may kalangitan at ginaya ko rin ang kaniyang ginawa. Ang ganda ng mga bituin ngayong gabi at nangangalahati naman ang buwan.
“This is better than being inside with uncomfortable atmosphere, us being ourselves without the others judging us,” ito ang side ni Alex na nagdala sa akin sa sitwasyon namin ngayon. Pero sana kagaya mo rin ako Alex, na kayang kaya na maging ikaw at hindi nagpapadikta sa kaninuman. “By the way where’s the president?” tanong nito.
“I didn’t see him but knowing dad, I’m sure he is there enjoying the company of other political figures,” sagot ko. “Plotting evil deeds,” pabiro pero matalihaga kong pagkakasabi.
“Ginagawa mo pa yang biro, talaga namang may kurapsyon basta pera ang nasasangkot,” paliwanag nito.
Sang-ayon ako sa sinabi mo Alex.
“This swing brings back some childhood memories, tragic memories,” malungkot na pagkakasabi niya.
“Same here,” pakikiramay ko.
“Pero, Emma think about it, tama ba ang naging desisyon natin na ipaalam at hayaan na makinabang ang buong mundo sa proyektong ito?”
“What do you mean Alex?”
“I mean we both know that Prototype 1102’s capabilities is still unknown even for us, we just assumed na compatible ito sa katawan ng tao,” nag-alburuto nanaman ang pagkanega ng lalaking ito. “Masama lang talaga ang kutob ko sa naging desisyon ko dahil nasilaw ako sa mga alok ng pangulo sa akin,” pahabol pa nito.
“Alex...” nabanggit ko na lamang ang kaniyang pangalan dahil napaisip din ako sa kaniyang mga sinabi.
“Think about it Emma, we acted because of our own greed and when we realized the consequences that we might encounter because of this selfishness, it’s too late,” tumamlay naman ang mga kilos ni Alex.
“Hey think about it, it’s been months since we released MMED here in our country. May nangyari bang masama? May nabalitaan ka bang namatay dahil sa MMED? Nagalit ba ang buong mundo sa ginawa mo?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kaniya at umiling naman ito. “Diba wala! Halos gawin ka pa ngang diyos ng ibang tao kulang na lang ay patayuan ka ng sarili mong monumento,” binigyan ko siya nang napakaraming rason para alisin niya sa kaniyang isipan ang mga negatibong bagay. “What’s the worst that could happen?” pagpapanatag ko sa kaniya.
“I guess you’re right,” matamlay pa rin ito habang nakatuon pa rin sa kalangitan ang kaniyang atensyon.
Sorry Alex.
“I think hanap na nila tayo run,” alok ko sa kaniya para putulin ang aming pinaguusapan. Tumayo naman ito at sumenyas na mauna ako, agad ko naman itong nakuha at naunang maglakad.
. . . .
“Thanks for coming Alex,” pasasalamat ni Dad kay Alex.
“Don’t mention it sir, it’s also a pleasure for having me in your party,” ganti naman ni Alex. Pagkatapos nang kanilang pagpapalitan ng pasasalamat ay dumeretso na si Alex sa kaniyang sasakyan.
“What a great man,” komento nito habang napapailing pa siya.
“Agreed,” pagsang-ayon ko kay dad.
“Do you like him?” asar sa akin ni dad.
“No dad were just friends,” tanggi ko habang namumula ang aking mukha. “CLOSE friends,” pinagdiinan ko pa.
“If you said so, although your face is as red like a tomato,” biro nito at bigla naman itong tumawa. Minsan lang lumabas ang ganitong side ni dad at ibig sabihin nito ay nasa good mood talaga siya. “Boto pa naman sana ako sa kaniya para sa’yo, kaso ayaw mo. It’s a shame,” panunukso nito sa akin at lalo namang namula ang mukha ko.
“Nasasayo na dad kung ano ang gusto mong isipin diyan,” tinalikuran ko ito at dumeretso ako sa aking kwarto. Nag vibrate naman ang aking cellphone at agad ko namang tiningnan kung ano ang dahilan. Tumatawag ang aking assistant at agad ko naman itong sinagot.
“Ma’am Amelia, the three people who passed out on yesterday’s event is declared dead,” ikinagulat ko naman ang kaniyang ibinalita. “The cause of death is still unknown and this case is a very strange one,” dagdag pa nito. “I suggest you and sir Alex come here tomorrow morning,” suhestyon niya.
“Sasabihin ko sa kaniya agad, salamat,” tugon ko sa kaniyang suhestyon. Binaba na niya ang telepono nang hindi nagpapaalam.
Agad ko namang hinanap ang pangalan ni Alex at nag-compose ng isang mensahe na aking ipapadala sa kaniya.
“To: Alexander the Great
Alex we have an appointment in the hospital tomorrow morning.”
Nakatanggap naman ako agad ng reply.
“From: Alexander the Great
Without my permission? :/ ”
Hindi ko na siya nireplyan dahil wala namang kabuluhan ang patutunguhan ng pag-uusap na ito at kahit gustohin ko man ay hindi ko magagawa dahil sa nakaramdam na ako ng pagod.
I guess I’ll rest for the day and brace myself for some shocking revelations tomorrow. It’s not been confirmed but I feel the catastrophe coming to us.
-Into the Apocalypse-