Alex’s Point of View Ano kaya ang plano ni Juna? Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at papunta ako ngayon pabalik sa lab. Talagang mahilig magpatong patong ang misteryo, kahit na gustuhin ko man pumunta sa burol ng pamilyang Suarez ay hindi ko magagawa dahil mukhang importante ang aming pag uusapan. Base pa lang sa tono ng pananalita ni Emma kanina ay talagang nagbigay ito sa akin ng sense of emergency, at saka ano ang ginagawa ni Alexa sa lab? Akala ko ba ay may alitan ang dalawang iyon. Dapat nasa bahay na lang siya binabantayan si mama. Nakalampas ako sa Olingapo Avenue at ibig sabihin nito ay malapit na ako sa lab kung saan ako pupunta ngayon. Pinabilis ko pa ang aking pagmamaneho para makarating na rin ako sa lab sa lalong madaling panahon. Gusto ko rin makita ang maamong mukha

