Emma’s Point of View “Alexa!” pabulong na tawag ko sa kaniya. Matagal tagal din akong naghintay rito at pinagpapawisan na ako sa init. Buti naman ay nakabalik ka na, akala ko ay mabubuko na ako kanina nung guwardiya na lumapit sa aking pwesto. May napansin siyang kakaiba na siyan nagpakaba sa akin ng todo pero mabuti na lang ay isa itong bagay na napulot niya. Hindi ko na iyon sinilip, baka mahuli pa niya ako. “Yo,” tugon niya pabalik at sumaludo pa sa akin ito na parang bata. “I found the key,” anunsyo niya at nagliwanag naman ang aking mukha. It’s worth the wait naman pala. “Where?” tanong ko sa kaniya. “Nandun binabantayan yung kaibigan mo,” sagot niya sa akin. So that means may guwardiyang nagbabantay sa selda niya. “What are we waiting for? Let’s go,” wika ko sa kaniya. “Easy

