Isang buwan din kaming nanatili sa Mansion ng mga Monreal. Mababait ang mga taong nakatira dito. Naging maayos ang pakikitungo nila sa amin ni Shane. Tinuring nila kaming mga amo at isang pamilya. Sobrang saya ng mga ala-alang nabuo namin sa loob ng Mansion na iyon. Ang dating tahimik na Mansion, ngayon ay puno na ng kasiyahan, pagmamahal, at pagkaka-ibigan. Ang dating bugnutin,malungkot, at masungit na si Sebastian ay nagbago na. Naging isang masayahin at palakaibigan na. Sobrang daming nagbago sa Mansion at maging sa mga taong nakatira dito, dahil sa amin ni Shane. Kami ang nagtanggal ng mga negative energy sa bahay na iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, natigil ang lahat ng ito. Sa pagdating ng mga Angkan ni Sebastian, ang mga Monreal, isang masalimuot kabanata ang magsisimula.

