Hindi pinalampas ni Elizabeth ang mga nangyari. Agad nya akong pinahanap sa kanyang mga tauhan ngunit bigo silang mahanap ako. Hindi kasi alam ng Mommy ni Sebastian ang tungkol sa pagtira namin sa Secret Condo na pagmamay-ari ni Lola Azuela at Sebastian. Gayunpaman, napag-alaman naman ni Elizabeth kung saan ako nag-aaral. Nalaman nyang sa Monreal University ako pumapasok. At tiyak magkakaroon na naman ng malaking kaguluhan. */6:00 am.... "Besh! gising na. May pasok pa tayo ng alas otso." paggising sa akin ni Shane. Kahit antok na antok ako, pinilit ko pa ring bumangon. Naghanda na ako ng almusal para sa amin ni Shane. Pagkatapos naming kumain, ay kaagad na kaming naligo at nag-ayos ng mga sarili. Habang naghahanda para sa pagpasok sumagi sa isip ko kung ano kaya ang ginawa ni Lola Azue

