Natatakot ako para sa aking sarili, hindi pa ako dinadatnan. Kinukutuban ako, marahil buntis ako, wag naman sana. Dalawang linggo kasi ang nakararaan noong hindi inaasahang may mangyari sa amin ni Sebastian. Ito ang kinatatakutan ko, baka iwanan at hindi ako panagutan ni Sebastian. Dahil hindi ako mapakali, lumabas ako ng condo at bumili ng pregnancy test para malaman ko na at maalis na ang bumabagabag sa isipan ko. "Shane, lalabas lang ako saglit,may bibilhan lang." wika ko. "Sige" tugon ni Shane, at kaagad na akong umalis. Pagkatapos kong bumili, kaagad akong bumalik sa condo upang gamitin na ang pregnancy test kit na binili ko. "Oh besh, bilis mo namang bumalik. saad ni Shane habang ako'y walang imik dire-diretso lang na pumasok sa cr. Dali dali kong ginamit ang pregnancy test at nag-a

