"Shanee! gising na,papasok pa tayo!" sigaw ko kay Shane upang magising sya. Naka-inom si Shane kagabi, yun pala ang naging date nila ni Aries. Kaya naman pala ang landi landi nya kagabi dahil lasing ang gaga. "Uhhm, 5 minutes pa bestiee, ang sakit ng ulo ko." wika ni Shane. "Yan, sige. Inom pa,tinulugan mo pa ko kagabi!" saad ko habang hinahampas si Shane. "Aray! Kung makahampas naman to. Malay ko bang sa Bar pala ako ipapasyal ni Aries. Pero kahit na ganun, okay lang, masaya naman kami hehe." kinikilig na sila ni Shane, mukhang may hangover pa sya. "Ally, masakit ang ulo ko. Di ako papasok." wika ni Shane. "Iinom inom di naman pala kaya." mataray kong wika. "Lagi ka nalang komokontra, bitter ka!" "Eh ikaw ba, anyare sa date nyo!" tanong ni Shane. "Well." pagmamayabang ko habang abot la

