Monday, 8:30 am.... Nagtataka si Shane kung bakit hindi pa ako gumigising at naghahanda sa pagpasok gayong tanghali na. "Hoy! Bruha, anong oras na, galaw galaw!" sigaw nya. Samantala, nagising naman ako dahil sa kanyang malakas na pagsigaw. "Bakit ba!" tugon ko. "Gaga, tanghali na, wala ka bang balak pumasok!" saad ni Shane. "Oo, wala! Suspended ako for 1 week dahil sa bwiset na Alison na yon!" naiinis na saad ko. "Ha, anong Alison? Pa-paanong sya ang dahilan." nagtatakang wika nya. "Oo sya, sinundan nya ako sa University, kaklase ko pa sya! Alam kong pinagpaplanuhan na nya ako!" sambit ko. "Diba lumayo kana kay Sebastian, bakit di pa rin tumitigil ang demonyong yon!" Ani Shane. "MAPA, malay ko at pake ko sa bwiset na yon!" wika ko. "Paanong na suspend ka?" tanong pa nya. "Nananahimik ako

