Kabanata 28 Essa’s POV Acting Skills Ilang oras na ba akong nakaharap sa salamin? Sinasaulo ang mga pwede kong ibatong mga banat mamaya kapag nagkaharap man kami ng Marella na iyon, napaisip din ako, dapat ba akong mag-Ate sa kanya? Kasi man matanda siya sa akin ng ilang taon. Nag-Ate nga ako kay Ate Leah, sa kanya pa kaya? Paano? Pero sa totoo lang, wala pa rin akong naiisip, kahit ilang mga salita man lang. Bagsak ang dalawang balikat kong nagsusuklay ng aking buhok. Kasabay nito ang pagkuha ko ng aking backpack at lumabas na ng silid pagkatapos. “Ang aga mo naman yata, Hija.” “Magandang umaga po, Nay.” “Wala ka bang maayos na tulog?” pag-aalala ang nababanaag sa mukha ni n

