Kabanata 39 Essa’s POV Deadma Nakauwi na kaming lahat, pero parang hangin pa rin ako para kay Luis, hindi man lang niya napapansin ang aking presensiya. May nagawa ba akong ikinasama ng loob niya? Sa akin kasi, parang ganoon ang dating. The way he talk to others, okay naman, malapad pa nga ang ngiti sa kanyang mga labi, habang kausap sina Ate Leah, at Pith. Pero pagdating talaga sa akin. Gusto ko na lang maging invisible. Deadma lang din naman ako sa kanya. Ang tanong, bakit ko ba ginagawang malaking bagay ang hindi niya pagbaling ng isang tingin sa akin? May mawawala ba sa akin? Tsk. Kung ganyan ang gusto niya, well, game naman ako sa laro niyang ‘to. Dapat nga ako ang makaramdam ng pagkainis sa kanya, gayong mas pinili niya

