Pagka-stand ko sa 'king motorsiklo at pagpatay ng makina nito ay inasahan ko nang baba na rin si Kylue ngunit hindi 'yon nangyari. Lumipas ang ilang segundo—minuto pa nga yata at nanatili lamang ang mahigpit na pagkakahawak niya sa 'king bewang na para bang natatakot itong luwagan 'yon dahil maaring mahulog siya. Hinubad ko muna ang suot na helmet at isinabit sa manibela bago ko 'to pasimpleng nilingon. Bagaman suot pa rin ni Kylué ang kaniyang helmet ay alam kong wala sa sariling pinagmamasdan niya na ang itim na kalangitang binudburan ng sandamakmak na bituin. Napatingin din ako roon. Mas malaki at maliwanag ang bilog na bilog na buwan ngayon kesa sa nakasanayan. Sumagi ang isang nakakatawang ideya sa 'king isip. Napaka-perpekto naman ng gabing 'to. Kahit na parang mas gusto kong man

