[Say something.. ]
Once the heart gets too heavy with pain and disappointments , people don't cry anymore. They just turn silent. Completely silent.
(You have 17 new unread messages)
It's been 3 days already since i decided to restrict myself from being busy scrolling into my social media accounts. But life gets boring kaya naman ay pagkatapos ng Online class namin sinubukan kong iopen ang phone ko. I didn't expect na muling mabubuhay tong messenger ko. HAHA ano naman kaya ang bago bukod sa mga awayan sa gc?
(open messenger)
Ariel : Yunaa ??
Ariel : Wuyy, nag message sakin yung ex mo. nangungulet!!
Ariel : in-screenshots ko basahin mo HAHAHA.
Ariel : idk dyan nag rereply lang naman ako.
Ariel : ( use data to see photos.)
Jm: Yunaaa? Saan ka?
Joseph (idiot) : i miss you badly baby.
John Michael ( jerk) : babe i go play basketball. call you later . I really miss you.
*
(Replying to Ariel )
: Sus!! Maniwala! HAHAHA
A : HAHAHA girl parang 3 ex mo na nag hahabol sayo ngayon nakss!!
: Sabihin mo tigilan nako. Busy ako sa buhay! Gusto ko pera ! hindi Lovelife maryusef.
A : sinabi ko na nga! Unblock mo daw sya. Ako kinukulet ng mga ugok HAHAHA
: Mga reasons nyan hayaan mo block mo din. mababait lang pag nag sosorry HAHAHA
A : Ayon nga ! Pinapaliwanag ko din naman.
A : Sabi ko pa nga wag na din ako kulitin baka mapatay pa ng kuya mo
A : Anyway, happy birthday, advancee!
:Hala 28 na ba bukas HAHAHA send money LoL.
A: Ano ganap mo bukas?
: wala ganap bukas busy ako sa online class ko , at re- rendering mga plates. Speaking of plates i gotta go may bibilhin pa pala akong materials. babusshh Atee
A: HAHAHA kaya pala ilang araw kang naka off chat. Sige lang bbgirl GO!GO! GO!
"This jerks! psh!! Kung kailan talaga tahimik na buhay mo don ka din madedemonyo sa mga ugok na to. "
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong tumungo sa malapit as bookstore. Anyway, before you judge me about don sa mga unread message . I dont know them nag rereply lang ako sa kanila then Boom! baby at babe na daw nila ako. UGH, AS IF!
"Hello po. Ilang taon na po kayo?" tanong sakin ng babaeng guard bago ako pumasok sa entrance ng mall.
Taray naman Fbi teh?
"Bakit po? Diba GCQ na!" tugon ko at inayos ang tayo.
"Opo pero bawal pa din po pag 21 pa baba. Ilang taon na po kayo?" pag uulit nya.
What the heck? kanina lang may nakita akong bata kakalabas lang ng mall tapos ako ito na kaya makipag wrestling sa pusa bawal? Ano to may exception or something? Di naman siguro ako mukang magnanakaw my goodness.
"Pero Ate? Hi-- " magsasalita pa sana ako ng mag komento ang isang buntis sa likod ko .
"Beh sagutin mo nalang yung tanong or umuwi ka nalang humahaba ang pila dahil sayo oh!"
Lumingon ako saglit sasa mga nakapila bago tingnan ng masama ang babaeng buntis sa likod ko. People nowadays really dont know how to mind thier own business .
" Edi Go mauna ka po. " tumabi ako saglit para dumistansya sa babaeng kasalukuyang nag aalcohol na sa harap ko.
Etchosera to! pasosyal pa mag lakad. Iniinis moko teh? Sana di ka nosy kagaya mo yang anak mo. PSH! Ilang tao din ang pinalampas ko bago uli bumalik sa pila. Matapos tutokan ako ni Ate ng thermometer something ay sumagot agad ako bago nya pa ako eh interrogate ulit.
"So, Ate baka naman po diba . Yung buntis nga pinapasok mo may baby sa tyan yon, diba po dapat sa mga panahon ngayon nagpapahinga sya sa bahay . Ako po kasi may importanteng bibilhin para sa pag aaral ko staka nakapasok nga ako sa supermarket sa baba dito tuloy sa National bookstore di pwede? how come! " mahinahong komento ko kahit na kinakabahan na ako sa pagsisinungaling ko.
Pleasee kasii papasukin moko may isang araw nalang ako para sa deadline. !
"Ilang taon kana ba?" tanong nya ulit.
As if nirerecord nila mga edad ng mga pumapasok .
"Bday ko na bukas kaya 22 po! " Lie. HAHAHA so what?
"Pwede na po ako pumasok? Imagine ako anak mo, tapos ginagawa to ng ibang guards sa kanya tapos mahiyain pa sya. Imagine that, ano yun uuwi nalang sya na disapointed sa sarili as well as sa kapwa nya tao. " mahinang bulong ko sa sarili habang naglalagay ng sanitizer sa kamay.
Oh God, Please spare me this time di na po mauulit!!
"Wala akong anak! Jowa nga wala anak pa kaya!!"
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon saglit dahil sa narinig ko mula kay Ate guard. Hala narinig nya pala yun? I- i mean kaya ba sya medyo salty sakin? kasi sis Same! LOL
Ilang minuto lang ay nakuha ko na agad ang mga nais kong bilhin. Subalit sa haba ng pila ay sinubukan ko munang dumaan sa mga fiction bookshelves kung saan naka display ang mga bagong released na watty books.
"Whoah? May bagong release agad si Inang Mia? " bulong ko sa sarili ng makuha ang libro .
Ang mahal pa huhu. Ang mahal talaga maging masaya juskoday. !! Wait nalang ako sa pag sale.!
"Someday i will be walking here, filling this big carts with the books no matter how big the price are. For now.. dito ka lang muna. " bulong ko sa sarili bago bitawan ang libro na kinuha ko.
"You can do that today! Id you want!"
"Ay tepaklong ka!! wtf?"bulalas ko ng may biglang may tumayong kapri sa harap ko.
Sino naman to? bigla biglang nagsasalita out of nowhere.
" Ah haha sorry nagulat ba kita?"
Ay hindi po siguro. Actually natakot nga ako eh kaya ako napasigaw. wtf obvious naman ata tatanong pa?
"haha Hi. it's me Job. remember me?Sabi ko na nga ba dito makikita. "
"Ha? " Job? sinong Job? Job sa bible yung disciple?
Kilala ko ba to?
"Oh! I guess you already forget about me. HAHA 3 months, 2 weeks, 4 days at 17 hours na din yung last time na nag rereply ka sa mga messages ko. Kala ko busy ka lang talaga kaya parang naging ghost ka. Hey Um, I'm sorry mag tatanong lang kasi ako.. Um, pwede ba?"
"Ha?" tanong na naman? wait lang ang hirap pa nga eh sink in ang mga sinabi neto tatanong agad. Ano ba tong nangyayare sakin.
"Hey, Say something .."