"OH, my gosh, girl! Sabihin mo sa aking hindi totoo ang nakikita ko!" reaction ni Serena na parang gustong mag-histerical habang pinapanood ang video sa phone ko. Nakakatawang isipin na pati siya ay hindi makapaniwala sa nakikita niya. Well… ako din naman, hindi makapaniwala nang makita ko ang video na 'yan, eh. Isa pa, hindi ko alam na magagawa 'yan ng babaeng 'yon. Imagine, pumatol siya sa mas bata pa sa kanya, may pagka-p********a yata ang babaeng ‘yon, eh. Sino ba ang babaeng tinutukoy ko? Walang iba kung ‘di ang babaeng matagal ko nang gustong mawala sa landas ko— si Alondra. "Totoo 'yan, gusto mo puntahan pa natin ‘yong lugar kung saan sila nakunan ng ganyan, eh?" paghahamon ko sa kanya. "Hindi na, girl, at baka masuka lang ako. Pumatol siya sa isang menor-de-edad? Bakit?" tanong n

