"SIR James, pinatatawag n’yo raw po ako?" bungad ko pagkapasok ko sa office niya. Kasalukuyan siyang pumipirma ng napakaraming papeles nang pumasok ako. Wala akong ideya kung anong ipapagawa niya pero mabilis akong nagpunta sa opisina niya pagkatapos ng photoshoot ko. "I want you to bring this to Phil's place," tugon niya at inilabas ang isang paper bag. I saw a lot of shirts inside the paper bag. Damit? Ipapadala niya ang damit na 'to sa akin sa tirahan ng aroganteng lalaki na ‘yon? "Pero, Sir, bakit po ako?" "Are you complaining, Samantha?" Nanlaki ang mga mata niya matapos kong magsalita. "No, Sir! Pero—" "Walang pero, pero! Nag-day off ang P.A. niya kaya no choice ako kundi ang utusan ka. Wala akong ibang mautusan sa mga staff dahil busy sila sa production. Now do it." Wala na ako

