Alondra "IT'S good to see you back, Alondra," masayang bati niya sa akin pagdating ko sa unit niya pero nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Puro kaplastikan lang naman ang gusto ng babaeng 'to. Kung pwede lang sana huwag ko nang sundin ang gusto niyang umuwi ako ng Pilipinas hindi naman talaga ako uuwi, eh. Kaya lang malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya kahit anong ipagawa niya sa akin ginagawa ko kasi hindi ako makakapasok sa showbiz industry kundi dahil sa kanya. Tsaka hindi ako makakapaghandle ng mga artistang katulad niya kundi dahil sa kanya. "Hi..."sabi ko tapos umupo na lang ako sa couch at nagsindi ng isang sigarilyo habang siya nakatingin lang sa balcony at may hawak na baso ng wine. "So, what's your agenda at pinabalik mo ako dito sa Pilipinas?" dugtong kong tanong sa ka

