Samantha Bakit ba sa tuwig magkakaroon ang tao ng heart aches, palagi niyang sinisisi ang puso? Tanga ba sila o mas tanga ako dahil sa nangyayari sa akin? Ako kasi sinisisi ko ang utak ko. Bakit kasi ang tanga tanga ko at nagmahal ako ng taong kayang agawin ng kahit na sino? Pero wala eh, hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko na magmahal lalo na't ibinigay naman ni Alex lahat para sa akin, pero bakit ganun? Hindi naman siya ang may kasalanan sa nangyari pero bakit sa kanya ako lubos na nagagalit, at bakit hindi ko siya magawang patawarin nang ganun kadali. Ang gaga ko talag! Kaya heto, nag-iisa ako ngayon. Nasa bar at nilalasing ang sarili para lang makalimutan ang lahat ng problema ko. Mag-isa lang ako dito kasi may photo shoot daw si Serena sa isang magazine at hindi naman daw niya p

